Dadalo sa Trillion Peso March, hinimok na makiisa muna sa banal na misa bago mag-rally

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,491 total reads

Inaanyayahan ng pamunuan ng National Shrine of Mary, Queen of Peace o EDSA Shrine ang publiko, lalo na ang mga dadalo sa “Trillion Peso March” sa darating na Setyembre 21, na makiisa muna sa pagdiriwang ng Banal na Misa bago lumahok sa kilos-protesta.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, Rector ng EDSA Shrine at kasalukuyang minister ng Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila, mahalagang magsimula ang pagkilos sa pamamagitan ng pananalangin at pagkakaisa ng pamayanan.

“It is a Sunday. Our duty to God doesn’t cease when our duty to our country begins. Hence, I invite those who wish to join the rally to attend the twelve-noon mass at the Edsa Shrine before proceeding to the People Power Monument,” pahayag ni Fr. Secillano.

Ipinaliwanag ng pari na ang Misa ay nakatuon sa pagdarasal para sa katiwasayan, pag-asa, at kapayapaan ng bansa, at hindi bahagi ng protesta.

“We do not want the Mass, though, to have the tone of protest as it may alienate other people who only wish to pray in peace,” dagdag pa niya.

Pagkatapos ng Misa, magsisimula ang Trillion Peso March—isang malawakang pagkilos laban sa korapsyon at kawalan ng pananagutan sa pamahalaan.

Nakatakdang lumahok ang iba’t ibang sektor ng lipunan, kabilang na ang ilang lider-simbahan, upang ipanawagan ang katarungan at pagbabago.

Gaganapin ang pagtitipon sa EDSA People Power Monument sa Quezon City kasabay ng paggunita sa ika-53 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law, isang makasaysayang paalala ng pang-aabuso ng kapangyarihan at ng pangangailangan para sa patuloy na pagbabantay laban sa katiwalian.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa sa pananampalataya at pagkilos, umaasa ang simbahan na mas magiging makabuluhan ang panawagan para sa malinis na pamahalaan at maayos na kinabukasan para sa sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 53,644 total reads

 53,644 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 133,108 total reads

 133,108 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 166,553 total reads

 166,553 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 201,851 total reads

 201,851 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 426,235 total reads

 426,235 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top