AMI 2025 conference, pangangasiwaan ng Military Ordinariate of the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,475 total reads

Pangangasiwaan ng Military Ordinariate of the Philippines (MOP) ang nakatakdang Apostolat Militaire International (AMI) 2025 Conference na nataon rin sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng organisasyon.

Ayon kay MOP Spokesperson Rev. Fr. COL Harley Flores (RET), maituturing na isang biyaya at pagkakataon para sa Simbahang Katolika sa Pilipinas ang pangangasiwa ng AMI 2025 Conference upang ganap na maipakita ang malasakit ng bansa sa pagtataguyod ng pagkakaisa, kapayapaan, at espirituwal na paghubog sa hanay ng mga lingkod-bayan partikular na ang mga uniformed personnel.

Ibinahagi ng Pari na isinasagawa ang taunang pagtitipon ng Apostolat Militaire International (AMI) upang talakayin ang mahahalagang usapin na nakaaapekto sa buhay at pamilya ng mga kasapi ng militar, nang nakaugat sa pananampalataya at paglilingkod.

“The annual AMI conference gathers international delegates to reflect on pressing issues affecting military personnel and their families, always within the context of faith and service. This year’s assembly in the Philippines is a moment of pride, as it places the country at the heart of an international conversation on unity, peacebuilding, and spiritual formation in the military.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Flores sa Radyo Veritas.

Katuwang ng MOP sa pangangasiwa sa pandaigdigang pagtitipon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang uniformed services sa bansa tulad ng Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), at Bureau of Fire Protection (BFP).

Nakatakda ang Apostolat Militaire International (AMI) 2025 Conference sa September 21 – 26, 2025 sa Microtel by Wyndham, UP Technohub, Commonwealth Avenue, Diliman, Quezon City.

Itinatag ang Apostolat Militaire International (AMI) noong 1965 na isang Catholic organization na nagsisilbing pandaigdigang samahan ng Simbahang Katolika para sa mga military personnel, chaplains, obispo, at lay collaborators.

Layunin ng organisasyon na isulong ang kapayapaan, katarungan, at pananampalataya sa mga komunidad ng militar sa buong mundo sa pamamagitan ng dayalogo, pagkakaisa, at pastoral na paglilingkod.

“Founded in 1965, the Apostolat Militaire International (AMI) is a Catholic organization that serves as a global forum for military personnel, chaplains, bishops, and lay collaborators. Its mission is to promote peace, justice, and faith within military communities worldwide by providing opportunities for dialogue, fellowship, and pastoral support.” Dagdag pa ni Fr. Flores.

Nanawagan naman ang Military Ordinariate of the Philippines ng suporta mula sa media upang higit pang maipaabot sa mamamayang Pilipino ang kahalagahan ng Apostolat Militaire International (AMI) 2025 Conference na nakatakdang magsulong ng pananampalataya, pagkakaisa, at paglilingkod sa bayan at sangkatauhan.

“The Military Ordinariate extends its warm invitation to other media to cover this significant event. Media presence will play a vital role in informing the Filipino public about this global gathering that highlights the values of peace, solidarity, and the integration of faith in service to country and humanity.” Ayon pa kay Fr. Flores.

Tema ng Apostolat Militaire International (AMI) 2025 Conference ang “AMI @60 in the 2025 Jubilee Year: Strengthening Christian Values within the Armed Forces Worldwide through Biblical leadership, building bridges and increased resilience.” na naglalayong maibahagi sa lahat ng mga opisyal ng military diocese sa iba’t ibang bansa ang mga kaalaman at naaangkop na kasanayan sa paggabay sa mga kawani ng pwersa ng pamahalaan lalo na sa gitna ng iba’t ibang sitwasyong pang-seguridad na kinakailangang tugunan sa lipunan.

Ayon sa MOP, ito na ikatlong pagkakataon na isasagawa ang AMI Conference sa Pilipinas ang una ay noong 1997, noong 2011 at ngayong taong 2025.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 12,560 total reads

 12,560 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 73,058 total reads

 73,058 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 94,723 total reads

 94,723 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 175,378 total reads

 175,378 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 276,431 total reads

 276,431 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top