Archbishop Villegas, nanawagan ng maigting na laban kontra katiwalian: “Kulang pa ang ‘Tama na!’”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,015 total reads

Sa kanyang pastoral letter na babasahin sa lahat ng misa ngayong Linggo, Setyembre 21, nanawagan si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates B. Villegas ng mas maigting na pagkilos laban sa katiwalian at maling kultura sa lipunan.

Ang liham ay pinamagatang “Kulang pa ang Tama na!”, kasabay ng paggunita ng ika-53 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Mariing ipinahayag ni Archbishop Villegas na hindi sapat ang mga protesta o limitadong imbestigasyon sa katiwalian.

“It is not enough to investigate the corruption of the flood control projects. Kulang pa! We must abolish the pork barrel of lawmakers that makes stealing easy to do,” anang Arsobispo.

Hinimok din niya ang mamamayan na tigilan ang paghingi at pagtanggap ng pabor mula sa mga pulitiko.

“Huwag hihingi. Huwag tatanggap! … Magalit sa corrupt! It is not enough to vote for the honest. Kulang pa. Bantayan sila!”

Ayon kay Villegas, dapat magsimula ang laban sa bawat isa, sa araw-araw na pagiging tapat, at sa pagtutol sa anumang uri ng pandaraya.

“We must be angry at the corruption within us otherwise the rally will be ‘Tama na! Kami naman!’”

Dagdag pa niya, ang protesta at panawagan ng pagbabago ay nagiging makabuluhan lamang kung ito ay sabayan ng pagbabagong-loob.

“Protest is good but repentance gives it power. Change is good but atonement makes it lasting.”

Binalikan din ng Arsobispo ang karanasan ng bansa sa ilalim ng diktadura, kung saan maraming Pilipino ang pinaslang, dinukot, at ikinulong.

“Those were the worst and darkest of times; those were also the best of times for heroism and martyrdom. Martial law made many heroes even if it almost killed a whole nation and corrupted our culture; the effects still palpable now,” ayon pa sa arsobispo.

Iginiit niya na hanggang ngayon, nananatiling hindi pa rin naibabalik ang ninakaw na yaman at naghihintay pa rin ng hustisya ang mga biktima ng Martial Law.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 52,518 total reads

 52,518 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 132,043 total reads

 132,043 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 165,490 total reads

 165,490 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 200,788 total reads

 200,788 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 425,222 total reads

 425,222 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 16,414 total reads

 16,414 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top