Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Isabuhay ang halimbawa ni Padre Pio, hamon ng simbahan sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 554 total views

Hinikayat ng opisyal ng health ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na isabuhay ang mga halimbawa ni Padre Pio ng Pietrelcina lalo na sa karanasan ng bawat isa sa krisis na dulot ng pandemya.

Sa pagninilay ni Camillan priest Reverend Father Rodolfo Vicente Cancino, MI, Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care sa kapistahan ng santo, umaasa itong hindi mahihinto sa pagiging deboto lamang ni Padre Pio kundi mas mahalagang tularan ang pamumuhay ng santo na ayon sa kalooban ng Diyos.

“Nawa ngayong kapistahan ni Padre Pio, hindi lang ito debosyon kundi isabuhay din natin [ang kanyang mga gawi]; hilingin kay Padre Pio na tulungan tayong isabuhay ang katotohanan at ang totoong tiwala sa Diyos,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Cancino.

Pagbabahagi ng pari tulad ni Padre Pio na hinamon ang buhay, nagkasakit, itinatwa at hindi pinaniniwalaan ay nanatiling kumakapit at naninindigan sa katotohanang dulot ng Panginoon sa kanyang buhay.

Sinabi ni Father Cancino na ito rin ang hamon sa bawat isa lalo ngayong panahon ng corona virus pandemic kung saan sinusubok ang katatagan ng pananalig sa Diyos.

Umaasa ang Pari na tulad ni Padre Pio ay piliin ng tao ang manindigan sa kaligtasang dala ni Kristo sa sanlibutan.

Binigyang diin ng kamilyanong pari na ang salita ng Diyos ang nagpapatatag sa kalooban at sa buong katauhan at pinakamabisang sandata laban sa anumang hamon sa buhay.

Ikinalungkot naman ni Fr. Cancino na sa kabila ng maraming deboto ni Padre Pio ay kakaunti lamang ang nagsasabuhay ng kanyang mga halimbawa.

Ngayong taon ay ginugunita ng simbahang katolika ang ika – 52 anibersaryo ng kamatayan ng Santo kung saan noong 2018 ay dinala sa bansa ang ‘incorrupt heart relic’ ni Padre Pio mula sa San Giovanni Rotondo sa Italya at binisita ang ilang simbahan sa Pilipinas kabilang ang Manila Cathedral, Cebu Metropolitan Cathedral, San Pedro Cathedral sa Davao City at matagal na inilagak sa National Shrine of Padre Pio sa Santo Tomas Batangas.

Hinahamon ni Fr. Cancino ang mamamayan na ipahayag ang salita ng Diyos nang may kababaang loob tulad ni Padre Pio.

“Tulad ni Padre Pio humawak tayo sa Salita ng Diyos, ipahayag natin ito sa lahat ng dako ng mundo, ipahayag natin ito sa ating pamumuhay sa araw-araw ; simple, ordinaryo subalit nagluluningning na katotohanan at tiwala sa Diyos,” dagdag ng pari.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,716 total views

 73,716 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,711 total views

 105,711 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,503 total views

 150,503 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,450 total views

 173,450 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,848 total views

 188,848 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 891 total views

 891 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,942 total views

 11,942 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top