Pelikulang Seeds of Peace:The Life of Fr.Rhoel Gallardo, itinampok ng Claretian missionaries

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,959 total reads

Itinampok ng Claretian missionaries ang documentary film na Seeds of Peace: The Life of Fr. Rhoel Gallardo sa paggunita sa kamatayan ni Claretian martyred Fr. Rhoel Gallardo.

Ayon kay Fr. Amado Tumbaga, CMF, provincial superior ng Fr. Rhoel Gallardo Province, ang pagtatanghal ng documentary film ay may layuning alalahanin ang sakripisyo ng pari at hikayatin ang mananampalataya sa sama-samang pagninilay at talakayan hinggil sa pananampalataya, kapayapaan, at pagpapatawad.

Binigyang-diin ni Fr. Tumbaga na ang pelikula ay sumasalamin hindi lamang sa buhay ni Fr. Gallardo kundi maging sa karanasan ng buong komunidad na lubhang naapektuhan ng karahasan.

“Itong Seeds of Peace kasi ay personal na karanasan, hindi lamang ni Fr. Rhoel, kundi yung mga survivors at yung buong community ng Tumahubong. At dito talaga nasubok yung kanilang pananampalataya,” pahayag ni Fr. Tumbaga sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ng pari, sa kabila ng mga karahasang naranasan ng komunidad ay higit pang tumibay ang kanilang pananalig at ang pagiging isang komunidad sa gitna ng pagsubok.

“So mas lumalim yung pananampalataya, paglilingkod at commitment ng mga Kristiyano. Kasi yung practice natin ng faith ay hindi lamang personal. We are called to be one community, to be one church, na sinusuportahan yung isa’t-isa,” dagdag pa ni Fr. Tumbaga.

Ibinahagi rin ng superior ng Claretian missionaries na ayon sa mga testimonya ng mga kasamang nabihag ni Fr. Gallardo ay nanatiling matatag ang pari sa kabila ng mga naranasang pagpapahirap mula sa mga Abu Sayyaf at ng kanyang paninindigan para sa pananampalataya.

Tumatak sa mga survivors ang pananatiling pastol ni Fr. Gallardo sa bingit ng kamatayan kung saan ipinamamalas ang malasakit sa kapwa sa kabila ng paghihirap.

“Hindi sumuko si Father Rhoel. Kahit na na-torture siya, hindi niya isinuko yung kanyang pananampalataya. Pinoprotektahan niya, lalo na yung mga bata at saka yung mga kababaihan,” aniya.

Tinuran din ni Fr. Tumbaga na hindi lamang ito isang simpleng pelikula kundi umaasa rin ang kongregasyon, pamilya at mga mananampalataya na ito ay makatutulong sa pagsusulong ng beatipikasyon at kanonisasyon sa pagiging martir ni Fr. Gallardo.

“Hindi ito simpleng pelikula; ito ay proseso ng pagdodokumento ng katotohanan upang mapatunayan ang kanyang pagiging martir,” giit ni Fr. Tumbaga.

Isinalaysay naman ng aktor na si Zaijan Jaranilla na gumanap sa papel ni Fr. Gallardo sa pelikula na bahagi ng kanyang paghahanda ang pakikipag-ugnayan sa mga survivors.

Aminado ang aktor na nag-iwan ng malalim na personal na karanasan habang isinasabuhay ang papel ng pinaslang na pari.

“Nakipag-usap din po ako doon sa mga survivors tungkol sa kung paano siya noon during captivity. Tinanong ko kung paano siya naging matapang. Hindi ako naghanap ng masyadong maraming tanong, basta nag-dive lang ako doon sa character at niyakap ko lang mismo si Father Rhoel,” pahayag ni Jaranilla.

Samantala, nagpasalamat naman at ipinaabot ni Jessie Gallardo, ang kapatid ng pinaslang na misyonero, ang mensahe ng pag-asa at ang mensahe ng documentary film para sa bawat isa hinggil sa mga halimbawang ipinamalas ni Fr. Gallardo.

“This movie may serve as an inspiration para sa bawat isa sa atin. Sa kabila ng matinding paghihirap o mararanasan, saan tayo huhugot ng lakas? It’s our faith… Faith, hope, and forgiveness. And that forgiveness brought us peace,” ani Gallardo.

Ibinahagi ni Fr. Tumbaga na ang Seeds of Peace: The Life of Fr. Rhoel Gallardo ay bukas lamang para sa community screening, kaya’t ang mga nagnanais na mapanood ang pelikula ay maaaring makipag-ugnayan sa mga official Facebook pages ng Claretian Missionaries – Fr. Rhoel Gallardo Province at ng Claret Media.

“Ang Seeds of Peace will not be released commercially. Ang vision namin sa Seeds of Peace ay community screening sa mga parishes, schools, institutions, kasi ang vision namin ay hindi lang basta manood. So meron tayong talkback or discussion, where we share our reflections after the movie,” giit ni Fr. Tumbaga.

Hinikayat ng mga Claretians at mga tagapagtaguyod ng pelikula ang mga mananampalataya na makibahagi sa mga community screenings na layong gawing pagkakataon sa sama-samang pagninilay at pagbabahagi ng mga karanasan na isang konkretong pagpapatuloy ng binhing iniwan ng buhay at kamatayan ni Fr. Gallardo bilang saksi ng pananampalataya at kapayapaan.

Si Fr. Gallardo ay dinukot ng mga bandido sa Claret School sa Tumahubong, Basilan noong March 2000 at tuluyang pinaslang noong May 3 ng parehong taon.
Noong May 3, 2021 nang binuksan ang diocesan process ng kanyang beatipikasyon bilang pagkilala sa pagiging martir ng Claretianong misyonero.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mas malusog na Pilipino?

 15 total reads

 15 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 32,521 total reads

 32,521 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 98,579 total reads

 98,579 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 117,883 total reads

 117,883 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 196,268 total reads

 196,268 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top