Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Isama sa school curriculum ang EDSA People Power 1

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 544 total views

Iparating ang aral ng diwa ng EDSA People Power Revolution sa mga kabataan ng susunod na henerasyon.

Ayon kay Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, hindi na mahalaga kung saan ipagdiwang ang paggunita ng ika – 31 anibersaryo ng EDSA People Power 1.

Binigyan diin ng Obispo na mahalagang maiparating ang “memoir bit” at mga aral ng EDSA 1 sa mamamayan partikular na sa mga kabataan o millennial na isinasantabi na lamang ang tunay na kahulugan.

Ngayong taon, inilipat sa Camp Crame ang pagdiriwang ng EDSA 1 mula sa tradisyunal at kinagawiang pagsasagawa nito sa EDSA People Power monument.

“Hindi importante sa akin yung celebrations, sa akin ang importante ‘memoir bit’ at yung lessons na puwede natin sanang iparating, i– trickledown yung leksyon at yung aral na ating makukuha kung bakit tayo nagkaroon ng EDSA revolution. Pero ang celebration hindi importante sa akin personally.”pahayag ni Bishop Bagaforo sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, iminungkahi ni Bishop Bagaforo na isama sa curriculum ng mga estudyante ang tunay na nangyari sa EDSA People Power na sumasalamin sa paninindigan ng mga Filipino sa katarungan at demokrasya.

“Ang aking panawagan sana ay whether it is celebrated ngayong February or not ang importante ay masama iyan sa ating mga curriculum para sa mga kabataan upang malaman nila na minsan ang taumbayan ay tumayo at pinanindigan ang katarungan at demokrasya.” giit ni Bishop Bagaforo sa Veritas Patrol.

Magugunitang malaki ang naging papel ng Radyo Veritas na siyang naging tinig sa pagsasakatuparan ng People Power Revolution sa naging panawagan ni noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.

Nauna na ring ikinalungkot ni dating CBCP – President at Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang pagggunita ng EDSA na nahaluan na ng usaping pulitikal na lumilikha ng pagkakahati – hati ng taumbayan.

Read: http://www.veritas846.ph/huwag-haluan-ng-pulitika-ang-pagdiriwang-ng-edsa-people-power-1/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SINGIL SA KURYENTE

 45,139 total views

 45,139 total views Kapanalig, kahit humupa na ang sigalot sa pagitan ng Amerika at Iran, hindi pa rin tayo nakakahulagpos sa matinding pasakit na dulot ng

Read More »

SENATE GRIDLOCK

 47,349 total views

 47,349 total views Kapanalig, ang “impasse” ngayon sa Senate of the Philippines, ang labanan sa poder., sa liderato., committee chairmanships, ang talamak na grandstanding, pakikipagsabwatan ng

Read More »

Malaya pero bihag pa rin

 120,728 total views

 120,728 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 133,417 total views

 133,417 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 159,600 total views

 159,600 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 92,860 total views

 92,860 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 278,226 total views

 278,226 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top