Legal assistance sa mga nakakulong na OFWs, ibigay

SHARE THE TRUTH

 244 total views

Umaapela ang CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa Department of Foreign Affairs na maging pro-active sa pagtugon sa pangangailangan ng mga bilanggong Overseas Filipino Workers.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, kailangang kumilos ang pamahalaan upang iligtas ang buhay ng 73- Filipino na pinatawan ng parusang kamatayan sa iba’t-ibang bansa.

Nanawagan si Bishop Santos kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na gawin ang lahat ng makakaya tulad ng paghingi ng clemency at pagbibigay ng legal assistance sa mga migranteng Filipino na nakakulong.

“They are Filipino, our people. We should help and assist them most, providing all legal means. We should exhaust all means and do what is most possible to save them from death. We can ask for clemency or life commutation as to spare them from death.” panawagan ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Pinaalalahanan rin ni Bishop Santos ang mga mambabatas na itigil na ang pagsusulong ng parusang kamatayan upang mapairal pa rin ang “moral ascendancy” ng bansa at mapadaling mapalaya ang mga Filipinong nahaharap sa death penalty sa ibang bansa.

Iminungkahi rin ng Obispo sa mga mambabatas at sa executive department na sa halip na ipilit ang reimposition ng death penalty ay ayusin ang anti-people na justice system, linisin ang bilangguan at parusahan ang mga tiwaling opisyal ng National Bureau of Corrections.

“Here, we should not pursue the reimposition of death penalty so that we can have moral ascendancy and authority to ask and beg for mercy for our Filipino facing death penalty. Our government officials should focus first to reform our justice system and cleanse national penitentiary. Reform, punish those negligent and corrupt jail officials.”paninindigan ni Bishop Santos sa Veritas Patrol.

Kinumpirma ni Yasay na 22-Pinoy sa Saudi Arabia ang hinatulan ng bitay dahil sa kasong murder at isa ay may kaugnayan sa droga.

41-OFW naman ang hinatulan ng kamatayan sa Malaysia kung saan 20 rito ay dahil sa kasong drug trafficking.

Sa kasalukuyan, umalma ang mga pro-life congressman sa ginawang railroading ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa panukalang batas kaugnay sa reimposition ng death penalty matapos ipatigil ang plenary debates.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 81,537 total views

 81,537 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 92,541 total views

 92,541 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 100,346 total views

 100,346 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 113,544 total views

 113,544 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 124,950 total views

 124,950 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 94,511 total views

 94,511 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 90,422 total views

 90,422 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top