Isantabi ang political interest sa impeachment trial ni VP Duterte, hamon sa mga Senador

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,350 total reads

Panawagan sa nalalapit na impeachment trial ni VP Duterte: Ituon sa kapakanan ng bayan, hindi sa interes ng pulitika.
Nanawagan ang isang opisyal ng simbahan sa mga mambabatas na panatilihing nakatuon ang kanilang pananaw sa kapakanan ng sambayanan sa gitna ng nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Committee on Public Affairs, sa halip na pansariling interes, bigyang pagpapahalaga ang kung ano ang makakabuti sa bayan.
Nangangamba ang pari na hindi hindi makamit ang buong katotohanan mula sa prosesong ito, dahil sa nangingibabaw na pansariling interes ng mga nasa kapangyarihan.

“Malabong malaman din ng taong-bayan ang buong katotohanan dahil politiko ang pinapanigan dito at hindi ang kung ano ang makabubuti sa bayan,” ayon kay Fr. Secillano.

Ayon pa sa pari, malinaw na bago pa man magsimula ang impeachment proceedings, hati na ang bayan at may ideya na rin ang publiko kung sino sa mga senador ang papanig at sino ang hindi. “Bago pa man mag-simula ang impeachment, hindi na rin lingid sa taong-bayan kung sino sa mga senador ang susuporta sa bise presidente at kung sino ang hindi.”

Sa gitna ng patuloy na tensyon sa larangan ng pulitika, nanawagan si Fr. Secillano ng higit na pananagutan, katapatan, at integridad mula sa mga lider ng bayan.

Giit pa ng pari, mahalagang tiyakin na ang mga desisyong ginagawa sa loob ng Kongreso at Senado ay para sa ikabubuti ng bansa, at hindi para sa kapakinabangan ng iilan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 19,267 total reads

 19,267 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 19,538 total reads

 19,538 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 41,536 total reads

 41,536 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 162,977 total reads

 162,977 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 213,339 total reads

 213,339 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 340,396 total reads

 340,396 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 423,734 total reads

 423,734 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 19,268 total reads

 19,268 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »
Scroll to Top