VeritasPH

The Word, The Truth

Itigil ang pagpapaulan ng bala

SHARE THE TRUTH

 177 total views

Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakararaan nang 14 na magsasaka ang pinatay sa Negros Oriental sa loob lamang ng isang gabi. Naganap sa iba’t ibang bayan ang sabay-sabay na operasyong isinagawa ng mga pulis at sundalo sa probinsya bilang bahagi ng Oplan Sauron, ang anti-criminality drive ng mga awtoridad kontra loose firemarms.

Masaker ang tingin ng marami sa nangyari, bagay na itinanggi ng PNP. Bitbit daw ng mga pulis at sundalo ang 36 na search warrants nang isinagawa nila ang mga operasyon sa iba’t ibang bayan sa buong Negros Oriental. Maliban sa mga napaslang, mayroon silang nadakip na 16 pang indibidwal at nakasabat sila ng mahigit 50 armas at pampasabog. Patunay din daw ang isang nasugatang pulis na nanlaban ang mga suspek na humantong sa pagkakapatay sa kanila. Iniuugnay ang mga pinatay sa mga grupong nagpaplano raw na itumba ang mga sundalo at pulis sa lalawigan. Miyembro raw sila o kaya nama’y tagasuporta ng New People’s Army o NPA. Mariing itinanggi ng mga kaanak ng mga pinatay na kasapi ang mga biktima ng rebeldeng grupo.

Sunud-sunod ang mga kumundena sa mga nangyaring pagpatay sa Negros Oriental. Ayon sa isang mambabatas, halos 200 magsasaka na ang napapatay sa ilalim ng administrasyong Duterte. Kabilang rito ang siyam na magsasakang pinaulanan ng bala at pinatay sa Sagay, Negros Occidental noong Oktubre. Hindi pa rin malinaw hanggang ngayon kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa mga magsasaka—mga pulis at sundalo ba? Mga rebeldeng grupo? O ang private army ng mga may-ari ng hacienda? Noong Disyembre naman, anim na sinasabing mga magsasaka rin ang napaslang sa Negros Oriental sa mga operasyong bahagi ng Oplan Suron.

Kinundena ng Northern Negros Alliance of Human Rights Advocates ang halos sunud-sunod na pagpatay sa Negros. Ayon sa grupo, may pressure daw sa mga sundalo at pulis na maabot ang kanilang quota bilang bahagi ng kampanya ng pamahalaan laban sa mga komunista sa Negros. Para naman sa National Council of Churches in the Philippines, hindi tamang iugnay agad sa NPA ang mga magsasakang biktima gayundin ang mga indibidwal at grupong pumupuna sa pamahalaan. Nagsasagawa na ng independent investigation ang Commission on Human Rights o CHR sa insidente.

Mga Kapanalig, labing-apat, siyam, anim, o kahit man lang isang taong pinatay at pinagkaitan ng pagkakataong dumaan sa proseso sa batas, mariing kinukundena ng Simbahan ang paglapastangan sa buhay ng tao. Hindi tayo mapapagod na ipaalalang maipatutupad ang batas nang makatao, nang kinikilala pa rin ang dignidad ng taong nais papanagutin sa batas. Nakatungtong ang pagpapahalaga natin sa buhay sa katotohanang lahat ay nilikha ng Diyos.

Hindi rin kailanman mabibigyang-katwiran ang pagpatay para lamang matupad ang nais na mangyari ng pamahalaan. Hindi makakamit ang kapayapaan at hindi matutuldukan ang kriminalidad—gaya ng sinasabing layunin ng Oplan Sauron—sa pamamagitan ng walang habas na pagpatay sa tuwing magsasagawa ng operasyon ang mga tagapagpatupad ng batas. Gaya ng ipinapaalala sa atin ng mga panlipunang turo ng Simbahan, “ang kapayapaan ay bunga ng katarungan.” Huwad ang kapayapaang nakakamtan sa pamamagitan ng pagkuha sa buhay ng iba, lalo na ng mga inosente. Hindi mauubos ang mga kriminal at rebelde kung magbubunga lamang ng mga balo at ulila ang hakbang ng pamahalaan.

Mga Kapanalig, magiging mapayapa at makatarungan ang ating lipunan kung tunay tutugunan ng pamahalaan ang mga ugat ng kahirapang nagtutulak sa mga taong kumapit sa patalim, kung pakikinggan nito ang hinaing ng mga mamamayan, at kung magiging matapat ang mga tagapagpatupad ng batas sa kanilang tungkuling itaguyod ng karapatan ng lahat sa halip na magpaulan ng bala at maghasik ng takot at karahasan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 2,444 total views

 2,444 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 18,430 total views

 18,430 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 26,475 total views

 26,475 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 31,555 total views

 31,555 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 37,261 total views

 37,261 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 2,445 total views

 2,445 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 18,431 total views

 18,431 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 26,476 total views

 26,476 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 31,556 total views

 31,556 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 37,262 total views

 37,262 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,248 total views

 44,248 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,173 total views

 41,173 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,487 total views

 55,487 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,177 total views

 59,177 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,780 total views

 57,780 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,767 total views

 67,767 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,735 total views

 71,735 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,622 total views

 82,622 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,061 total views

 95,061 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,819 total views

 105,819 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top