Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Jubilee walk of farmers, suportado ng CEAP

SHARE THE TRUTH

 3,406 total views

Suportado ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang pakikipaglaban ng mga katutubo, mangingisda, at mga residente ng Mariahangin Island sa Bugsuk, Balabac, Palawan laban sa sapilitang pagpapaalis sa kanilang lupaing ninuno kaugnay ng planong ecotourism project ng San Miguel Corporation at Bricktree Properties.

Mariing kinokondena ng CEAP ang insidente ng karahasan noong April 4, 2025, kung saan ipinadala ang 80 armadong guwardiya sa isla, na nagdulot ng banta sa seguridad, dignidad, at karapatang pantao ng mamamayan.

Iginiit ng grupo na ang anumang uri ng pananakot, panggigipit, at paglabag sa karapatan ng komunidad ay salungat sa batas at sa katarungang panlipunan ng Simbahan.

“We are deeply concerned by credible reports and testimonies that reveal the unjust displacement and harassment, including restrictions on food and water access and violations of the rights of local communities… These actions are contrary not only to the Philippine Constitution and laws such as the Indigenous Peoples Rights Act, the Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms, and the Fisheries Code but also to international standards on business, human rights, and ecological justice,” ayon sa pahayag ng CEAP.

Bilang mga katolikong lingkod sa larangan ng edukasyon, naninindigan ang CEAP na dapat isabuhay at isulong ang mga prinsipyo ng katuruan ng simbahan sa pamamagitan ng pagkilala sa karapatan ng mga katutubo sa lupaing ninuno; pagsusulong ng kapayapaan at di-marahas na pagkilos; pangangalaga sa kalikasan at pamayanan; at katarungan at tunay na kaunlaran na may pagkilala sa dignidad ng tao.

Pinuri rin ng grupo ang mapayapang pagkilos ng SAMBILOG Balik Bugsuk Movement, sa pamamagitan ng prinsipyong “Alay-Dangal”, na anyo ng marangal at mapayapang paglaban na nakaugat sa katotohanan at pag-ibig.

Nagpahayag din ng suporta ang CEAP sa Jubilee Walk of Farmers, na 60-araw na paglalakbay na nagsimula noong March 13 at magtatagal hanggang May 12, 2025, mula Concepcion, Kabasalan, Zamboanga Sibugay patungong EDSA Shrine at People Power Monument, bilang panawagan para sa lupa, katarungan, at kapayapaan ngayong Taon ng Jubileo.

Panawagan naman ng CEAP sa San Miguel Corporation at sa mga kaugnay na ahensya ng pamahalaan na igalang ang karapatan ng mga taga-Mariahangin at pakinggan ang kanilang tinig.

“Development must be inclusive, ethical, and respectful of human dignity and rights,” giit ng CEAP.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 73,600 total views

 73,600 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 81,375 total views

 81,375 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 89,555 total views

 89,555 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 105,144 total views

 105,144 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 109,087 total views

 109,087 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 2,053 total views

 2,053 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top