MUPH at Caritas Manila, lumagda sa kasunduan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,132 total views

Isinulong ng Caritas Manila ‘Kagandahan sa kabila ng Kadiliman’ na adbokasiyang higit na pagpapabuti sa buhay ng mga mahihirap sa pakikipagtulungan sa Miss Universe Philippines (MUPH).

Ito ay matapos ang Contract Signing sa pagitan ni Caritas Manila Executive Director Father Anton CT Pascual, MUPH CEO President Jonas Gaffud at MUPH Officer Ms.Shamcey Supsup.

Ayon kay Fr.Pascual, sa pamamagitan ng pagtutulungan ay maipapakita na bukod sa kagandahan ng mga MUPH 2025 Candidates ang kanilang pakikiisa sa mga adbokasiya na itaas ang antas ng pamumuhay ng mga pinakanangangailangan sa lipunan.

“Ito ay isang magandang pagkakataon upang ating ibunyag, ibahagi sa mundo ang tunay na kahlaagahan ng kagandahan na hindi lang po sikat ngunit ito ay pangloob din na nakikita sa kapangyarihan ng paggawa, pagibig, pagmamalasakit at pakikiisa sa mga nasa laylayan ng ating lipunan, kaya ito pong very powerful platform ng Ms.Universe Philippines ay napakagandang opportunity to show the light in the world, ang kagandahan sa harap ng kadiliman, ang kagandahan ng pagmamahalan, pagtutulungan at pagkakaisa”.ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Pascual.

Ayon naman kay MUPH CEO President Jonas Gaffud, ang pagtutulungan ay higit na pakikiisa sa simbahang katolika upang ilapit sa Panginoon ang mga sumasali sa MUPH kada taon.

Bahagi din ito ng higit na pagbibigay pugay sa Panginoong sa pamamagitan ng pagtulong sa mga adbokasiyang nagpapakain sa mga nagugutom, nagpapaaral sa mga mahihirap na estudyante at itinataas ang antas ng pamuhay ng mga pinakamahihirap sa Pilipinas.

“Coming from Caritas Manila About Segunda Mana and I wanted- I was very likely enticed to know more about Caritas Manila cause you know I grew up a Catholic and we are a predominantly catholic country so I think its good that we can use the platform of Miss Universe and Mr.Filipinas to glorify God,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Gaffud.

Inaasahan naman ni MUPH Office Ms.Shamcey Supsup na sa pamamagitan ng pagtutulungan ay higit na maipakita sa mga Pilipino na handa ang kanilang organisasyon na tulungan ang mga nangangailangan.

Ito ay upang mapabuti ang kanilang kalagayan at higit na mabawasan o tuluyang mawala ang kahirapan sa lipunan na binibiktima ang mga Pilipino, higit na ang mga mahihirap na batang nagugutom o walang kakakayahang makapagtapos ng pag-aaral.

“We’re happy that we’re now working with Caritas Manila, We’re looking forward for this partnership and we hope it’s gonna be a fruitful endeavor for the both of us, sana makatulong talaga kami sa mission ng Caritas Manila to aleviate poverty and to help the communities lalo na dito sa mga underpriviledge Filipinos na talagang nangangailangan ng tulong,” ayon naman sa panayam ng Radio Veritas kay Ms.Shamcey Supsup.

bilang panimula ay sumama ang 60 MUPH 2025 at Mister Filipinas Worldwide 2025 Candidates sa Baseco Port Area sa Maynila upang makiisa sa Munting Pagasa Integrated Feeding Program ng Caritas Manila upang pakainin ng masusustansyang pagkain ang may 150-batang benepisyaryo sa San Nicholas Chapel sa lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 28,249 total views

 28,249 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 50,254 total views

 50,254 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 74,596 total views

 74,596 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 98,257 total views

 98,257 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 131,930 total views

 131,930 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top