“Justice system”, ayusin sa halip na ibalik ang death penalty-ayon sa pari

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 857 total reads

Pinayuhan ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs ang mga mambabatas maging ang gobyerno na ayusin muna ang sistema ng katarungan (justice system) sa bansa sa halip na ibalik ang death penalty.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng komisyon, maraming flaws ang justice system sa bansa na kailangan ng agarang solusyon gaya na lamang ng may mga naco-convict na hindi naman mga tunay na salarin.

Dagdag ng pari, napakahirap sa isang napagbintangan na mapatawan ng parusang kamatayan o di kaya sa mga nais magbagong buhay na pinagkaitan na magbalik loob sa pamilya, sa lipunan at sa Diyos.

“Baka puwede ayusin muna ang justice system natin at baka magtuloy tuloy na maging maayos ang pagpapataw hindi na ng kamatayan kundi ng pagrereporma dun sa tao. Kasi now nakikita natin dahil may problema nga sa justice system, halimbawa isang convict kapag ikinulong eh maganda pa ang buhay nila doon, nagkakamal sila ng limpak-limpak na salapi, dun pa lang nakikta natin na isa na itong flaw sa kalakaran ng hustisya. Mas malungkot dito, eh mayroon tayong napapatawan ng death penalty at hindi naman pa dapat patawan, hindi na dapat ito kino-consider para ipataw mo bilang isang parusa,” pahayag ni Fr. Secillano sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon pa sa pari, patuloy ang paninindigan ng Simbahang Katolika sa moral na aspekto na ang Diyos lamang ang may karapatang bumawi ng ating buhay at hindi ang estado na kuwestiyunable ang sistema ng hustisya.

“Kapag binalik ang death penalty, nakita naman natin na flawed ang ating justice system, if ganito paano ka makatitiyak na sa pagpataw mo ng death penalty, nakuha mo ang totoong guilty na tao, na hindi na frame up o hindi nabiktima ng flaw ng justice system”.

Sinabi pa ni Fr. Secillano na kahit ang pinaka-masamang indibidwal sa buong mundo ay mababago dahil sa may mga “intervention program” na ginagawa ang Simbahan upang sila ay makapagbagong buhay na wala ngayon ang gobyerno dahil parusa ng walang pag-asang magbago ang prayoridad ng pamahalaan.

“Unahin natin sa moral na aspekto, ang Simbahan ay laging naninindigan para sa buhay naniniwala ang Simbahan na may pagbabagong magagawa sa tao maaring siya ang pinaka-masama sa buong mundo pero dahil may mga intervention na ginagawa para mapabago siya hindi pinapansin ng pamahalaan. So dito magkaiba ang istratehiya na dapat na tahakin, ganyan ang Simbahan patuloy ang paninindigan na ang buhay hindi kinikitil, bigyan natin ng pagkakataon na magbagong buhay,” pahayag pa ni Fr. Secillano.

Sa pinakahuling World Congress Against Death Penalty na kada ikatlong taon ginaganap at nang magsimula ito 18 taon na ang nakalilipas 140 mga bansa na ang nagtanggal ng parusang bitay kabilang na dito ang Pilipinas dahil sa hindi naman napatunayang nagpababa ito ng kaso ng krimen.

Sa social doctrine of the Church, ang kapatawaran pa rin ang dapat manaig at hindi ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga sangkot sa karumal-dumal na krimen lalo na at hindi rin ito akma sa Christian values at nananatili ang Simbahan sa pagsunod sa utos ng Diyos na “Thou shall not kill”.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 80,152 total reads

 80,152 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 158,267 total reads

 158,267 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 191,715 total reads

 191,715 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 227,011 total reads

 227,011 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 450,346 total reads

 450,346 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 298,529 total reads

 298,529 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,376 total reads

 409,376 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top