Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malinis na kapaligiran, tugon sa Zika virus

SHARE THE TRUTH

 219 total views

Hinimok ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani ang mamamayan na panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran upang hindi na dumami ang lamok na nagdadala ng Zika Virus.

Ayon sa Obispo, malaking salik ang kapaligiran sa pagkakaroon ng kumakalat na mga sakit.

Kaya naman iginiit ni Bp. Bacani na upang mapangalagaan ng tao ang kanyang kalusugan ay kinakailangang una nitong pangalagaan ang kalikasan.

“Siyempre ang ating kapaligiran sisikapin natin na maging malinis, dahil yan ang pagpupugaran ng lamok, kapag marumi ang ating kapaligiran o kaya may mga tubig na stagnant e yun ang pamamahayan ng mga lamok,” pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Dagdag pa ni Bp. Bacani, kinakailangan rin maging mapagmatyag ang mga magulang sa pagbabantay sa kanilang mga anak.

Gayundin naman, ang mga buntis o nagdadalang tao ay mahalagang pangalagaan ng mabuti ang kanilang sarili upang makaiwas sa lamok na nagdadala ng Zika Virus.

“Sikapin natin na yung mga anak, at mga nanay lalo na, na sana ay ingatan ang sarili na hindi madapuan at makagat ng lamok. Vigilance ang kinakailangan dyan at syempre napakaimportante yung dasal na huwag tayong matamaan ng virus,” panawagan ni Bishop Bacani.

Sa huling ulat ng Department of Health umabot na sa 39 ang kaso ng Zika Virus sa Pilipinas.

Kaugnay dito, magsasagawa ng Zika Virus Conference ang Simbahang Katolika upang mabigyang edukasyon ang bawat Diyosesis kung paano maiiwasan ang pagkalat ng epidemya.

Sa ika-9 ng Disyembre gaganapin ang Zika Virus Conference sa Environmental Studies Institute ng Miriam College simula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa pagtutulungan ng Radyo Veritas, CBCP Episcopal Commission on Healthcare, Archdiocese of Manila Healthcare Ministry, Department of Health, Miriam College, Camillian Task Force Philippines and Salute e Sviluppo Philippines Inc.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 6,720 total views

 6,720 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 15,036 total views

 15,036 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 33,768 total views

 33,768 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 50,278 total views

 50,278 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 51,542 total views

 51,542 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Environment
Veritas NewMedia

Pagpaslang sa Forest Ranger, kinondena

 42,721 total views

 42,721 total views Kinondena ng Environmental Legal Assistance Center (ELAC) ang pagpatay kay Department of Environment and Natural Resouces (DENR) Forest Ranger Bienvinido “Toto” Veguilla, Jr.

Read More »
Environment
Veritas NewMedia

Sagipin ang kalikasan

 42,739 total views

 42,739 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng kagyat na pagbabago para sa kalikasan. Sa inilabas na Pastoral Statement on the Environment

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top