Kababaihang seafarers, binasbasan ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 400 total views

Binasbasan ng Kanyang Kabunyian Manila Abp. Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kababaihang Seafarers, sa ika-24 na pagdiriwang ng National Seafarers Sunday noong ika-29 ng Septyembre.

Sa pagninilay ni Cardinal Tagle ipinaalala nitong sa pagsisimula ng simbahan ay mga manlalayag din ang unang naging apostol ni Hesus na inatasang mamalakaya ng mga tao.

Bukod dito, kinilala din ng Kardinal ang mukha ng mga Seafarers sa mundo bilang mukha ng mga Pilipino, dahil mula sa 1.2milyong mga seafarers ay halos kalahati o 400-libo ang mga Pilipino.

“Mabuting tao daw ang mga Pilipino, marunong makipagkapwa tao , kaya maraming salamat sa inyo, isa kayo sa the best exports ng Pilipinas, hindi produkto kun’di tao. Marangal na Pilipino, yan ang kinikilala ng mundo, salamat sa inyo.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.

Samantala, kaugnay sa tema ng pagdiriwang na “Marinong Filipino-Kababaihan: Palakasin sa Industriya” pinuri naman ni Cardinal Tagle ang galing, talino, integridad at dangal ng mga marinong pilipina.

Aniya, sa kabila ng abilidad na ito ng mga manlalayag ay mayroong kirot sa bawat puso dahil kinakailangan nitong iwan ang kanilang pamilya sa Pilipinas.

“Mayroong kakaibang kirot sa puso ng mga kababaihan ang mawalay sa kanilang pamilya kaya isa din itong palatandaan ng inyong pagmamahal, ng inyong lakas ng loob, ng inyong pananampalataya, na ang kirot na ito na inyong dinadala [ay para] sa kabutihan ng pamilya, at ng bansa.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Sa huli, pinaalalahanan naman ng Cardinal ang mga marino na sa kabila ng tagumpay na kanilang nakakamit dahil sa masipag na pagtatrabaho, ay huwag kalilimutan ang kanilang pinagmulan at huwag magpapadala sa salapi na nagbibigay kaginhawahan at karangyaan sa mundo.

Aniya, ang karangyaan at kaginhawaan ay maaaring makapagdulot sa tao ng pagkamanhid at kawalang pakialam sa kapwa.

Dahil dito, sinabi ni Cardinal Tagle ang tunay na batayan ng pag-asenso ay ang pagdamay sa kapwa.

“Habang nagsisikap para gumanda ang buhay ng ating pamilya, at ng ating bansa, wag sanang umuwi ito sa pagkalimot sa ating pinagmulan, ang pagkalimot sa mga nangangailangan” pahayag pa ni Cardinal.

Una na ring nanawagan ang Prefect of the Dicastery for Promoting Integral Human Development ng Vatican na si Cardinal Peter Turkson, na mag-alay ng panalangin sa mga seafarers, mga mangingisda at iba pang maritime workers.

Sinabi ni Cardinal Turkson na kinakailangang bigyang pagpapahalaga ang 1.5milyong seafarers sa buong mundo na tumatawid ng karagatan upang maihatid ang 90% ng mga kalakal na ginagamit ng mga tao sa iba’t-ibang bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 49,708 total views

 49,708 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 49,708 total views

 49,708 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 49,708 total views

 49,708 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 48,196 total views

 48,196 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 44,028 total views

 44,028 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 284,265 total views

 284,265 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top