Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kabataan at senior citizens, hinikayat na maging ‘Spiritual frontliners’

SHARE THE TRUTH

 414 total views

June 9, 2020-12:30pm

Maging bahagi ng Spiritual frontliners ng simbahan para labanan ang patuloy na panganib sa lipunan dulot ng novel coronavirus.

Ito ang paanyaya ni Renee Jose-in charge ng Religious Department ng Radio Veritas lalu na sa mga senior citizen at kabataan na hindi nakakalabas ng kanilang tahanan na maging spiritual warriors sa pamamagitan ng patuloy na pananalangin bilang sandata at prokteksyon laban sa nakakahawang sakit.

“We are the prayer warriors of our time hindi naman kasi tayong lahat nakakalabas to fight covid-19 lalung lalu na po ung mga nasa senior years na po e talagang nasa bahay lang po,” ayon kay Jose.

Dagdag pa ni Jose na malaking tulong rin sa mga mananampalatayang katoliko ang ginaganap na misa sa radio, telebisyon at online upang magiging matatag sa panahon ng krisis na dulot ng pandemya.

Nagpapasalamat din ang Radyo Veritas sa mga pari na bahagi sa pagdaraos ng misa sa himpilan na mapapakinggan sa radyo at mapapanood sa Veritas846.ph.

Paliwanag ni Jose, dahil sa pakikinig sa on-air at online masses gayundin ang mga on-line recollection ay nagkakaroon ng masasandigan ang publiko sa nararanasang pagkabagot at agam-agam dahil na rin sa lockdown policy sanhi na rin ng nakakahawang sakit.

“Pero through listening to Radio Veritas sa mga streaming po, sabi nga nila it’s keeping them sane,” dagdag pa nito.

Nagpapasalamat din ni Jose sa mga prayer warriors na bukod sa pagdarasal ay nagbabahagi rin ng tulong upang patuloy na maisagawa ang misa na naghahatid ng kaginhawahan at naghahatid ng pag-asa sa mga mananampalatayang nababalisa dulot ng pandemya.

Sa mga nais na magbigay ng tulong tumawag lamang sa telepono bilang 8925-7931 hanggang 43 local 129 o di kaya sa 0917-631 4589 at hanapin lamang si Renee Jose.

Ang on-air at online mass ay mapapakinggan tuwing alas-6 ng umaga, alas-12 ng tanghali at alas-6 ng gabi.

Mula sa nakagawiang Healing Mass On-Air tuwing alas-12:15 ng tanghali ay ginawang tatlong beses sa isang araw ang misa sa Veritas Chapel dulot na rin ng pagbabawal sa pampublikong misa sa mga Parokya simula noong Marso.

Sa kasalukuyan ang Metro Manila at malaking bahagi ng bansa ay nasa ilalim ng General Community Quarantine na bagama’t pinapayagan ang misa sa Parokya ay limitado lamang ito sa 10-katao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,897 total views

 42,897 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 80,378 total views

 80,378 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 112,373 total views

 112,373 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 157,112 total views

 157,112 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 180,058 total views

 180,058 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 7,314 total views

 7,314 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,902 total views

 17,902 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV: ‘War is never holy’

 38,607 total views

 38,607 total views Nanawagan si Pope Leo XIV para sa kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga bansa at relihiyon sa pandaigdigang pagtitipon ng Community of

Read More »
Scroll to Top