Caritas Manila, hinimok ang pamahalaan ng sama-samang pagtulong sa mga maralita

SHARE THE TRUTH

 480 total views

June 9, 2020, 12:18PM

Binighyan diin ng opisyal ng Caritas Manila na mahalagang magkaisa ang simbahan at pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan partikular ang mga maralita.

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Social arm ng Archdiocese of Manila, nararapat na tugunan ang pangangailangan ng sektor ng maralitang tagalunsod lalo’t ito ang direktang naapektuhan ng COVID 19 pandemic.

Ito ang mensahe ng pari sa pagbisita sa Smokey Mountain sa Tondo Manila nitong nakalipas na Linggo upang mamahagi ng tulong sa mahigit 200 pamilya na nakatira sa dating tapunan ng mga basura.

“Magandang pagkakataon na magtulungan ang gobyerno at simbahan papaano makaahon sa kahirapan ang mga maralitang tagalunsod lalo na ang mga nakatira dito sa Smokey Mountain,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Matatandaang 1995 nang tuluyang isinara ang Smokey Mountain dumpsite habang 2001 naman ng itinayo ng National Housing Authority ang pabahay para sa mga residenteng nakatira sa paligid ng nito.

Sa kasalukuyang sitwasyon ng nasabing lugar ay nais ni Fr. Pascual na matulungan ang mga residente na magkaroon ng permanenteng kabuhayan upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Mensahe ng pari sa mga naninirahan sa Smokey Mountain na patuloy kumapit sa pag-asang hatid ni Kristo na muling nabuhay para sa sanlibutan at hinimok ang mamamayan na maging aktibong kasapi ng simbahan sa Parish of the Risen Christ ang parokyang nakakasakop sa lugar na pinamamahalaan ng Societas Verbi Divini (SVD)o Divine Word Missionaries.

“Huwag mawalan ng pag-asa, manalig sa Diyos pero mahalaga pa ring magkaisa at magtulungan upang mawakasan ang kahirapan,” dagdag pa ni Fr. Pascual.

Katuwang ni Fr. Pascual sa pamamahagi ng tulong sa dating bundok ng mahigit dalawang milyong metriko toneladang basura sina Rev. Fr. Melky Ukat, SVD ang kura paroko ng parokya, Rev. Fr. Lawrence Llona, SVD, Rev. Fr. Jade Licuanan at mga volunteers ng Caritas Manila at Social Services and Development Ministry ng parokya.

Labis namang nagpasalamat sa Caritas Manila at sa mga donors ang mahigit sa 200 pamilyang benipisyaryo na nabahaginan ng manna food bags at ligtas COVID 19 kit.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 82,622 total views

 82,622 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 93,626 total views

 93,626 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 101,431 total views

 101,431 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 114,586 total views

 114,586 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 125,911 total views

 125,911 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Paglago ng bokasyon, misyon ng NYD 2025

 12,887 total views

 12,887 total views Umaasa ang Family Ministry ng Archdiocese of Caceres na magbunga ng mas malalim na ugnayan sa pamilya, pananampalataya at bokasyon ang isinasagawang National

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top