Kabataan, hinikayat na tuklasin ang pananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 441 total views

Umaasa ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na gamiting pagkakataon ng mga kabataan ang ‘Year of the Youth’ sa pagtugon sa pangangailangan ng kapwa lalo na sa mga kapus-palad.

Ayon kay CBCP Vice-President, Kaloocan Bishop Pablo Virgilio David, mahalagang matuklasan ng kabataan ang mga gawaing Simbahan na magpapalago sa pananampalataya tulad ng mga debosyon.

Giit ng Obispo, mararamdaman ang pagmamahal ng Diyos sa tao kung ipinakikita ng bawat isa ang kabutihan sa kapwa lalo na sa mga naisasantabi sa pamayanan.

“Sana itong Year of the Youth, kung ibig nating maramdaman na tayo’y minahal ng Diyos at tayo ay pinagkalooban ng Diyos then, sana matuklasan ninyo ang mga debosyon na tulad ng Divine mercy na siyang magtuturo sa atin na mabuksan ang ating isip at ating puso sa ating kapwa lalong lalo na sa mga kapos palad sa ating lipunan,” pahayag ni Bishop David sa Radio Veritas.

Tulad ng sinasaad sa Banal na Kasulatan sa ebanghelyo ni San Lukas 6:20 nang sinabi ni Hesus sa Kaniyang mga alagad na mapapalad ang mga mahihirap sapagkat sila’y pinaghaharian ng Diyos, hinikayat ni Bishop David ang bawat mananampalataya lalu na ang kabataan na buksan ang isipan upang makita ang layunin sa buhay-ang pagbahagi sa dakilang pag-ibig ng Panginoon sa sangkatauhan.

Binigyang diin ni Bishop David na sa tulong ng habag at awa ng Panginoon, lalawak ang isipan ng mananampalataya na unawain ang mga pangyayari at pinagdadaanan ng kapwa.

“Ito yung pupukaw at magbubukas din ng ating kakayahang makita ang layunin natin sa buhay,” dagdag ni Bishop David.

Sa tala, may 20 porsyento sa higit 80 milyong Katoliko sa Pilipinas ay pawang kabataan na may edad 15 hanggang 24 na taong gulang na nahaharap sa iba’t ibang suliranin sa lipunan.

Dahil dito mas pinalakas ng Simbahan ang mga programang tutugon sa pangangailangan ng kabataan at mahubog tungo sa pagiging mabuting ehemplo ng lipunan at nakahandang mamumo sa Simbahan at komunidad na kinabibilangan sa susunod na henerasyon.

Ang deklarasyon ng Taon ng Kabataan na magtatapos sa ika – 24 ng Nobyembre 2019 ay bahagi ng paghahanda ng ikalimang sentenaryo ng Katolisismo sa Pilipinas sa 2021 kung saan hinikayat din ang mga kabataan na makiisa sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon gamit ang makabagong teknolohiya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 75,517 total views

 75,517 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 75,517 total views

 75,517 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 75,517 total views

 75,517 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 73,209 total views

 73,209 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 66,878 total views

 66,878 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top