Kabataan, hinimok na maging tagapagtanggol ng Kalikasan

SHARE THE TRUTH

 469 total views

Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity ang mga kabataan na maging tinig ng kalikasan.

Ayon sa Obispo kinakailangang mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan kaugnay sa nagaganap na pagkasira ng kalikasan.

Kinakailangan din ayon kay Bishop Pabillo na manguna ang kabataan sa mga bagong pagkilos sa pagtatanggol sa kalikasan lalo na ngayong ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika ng Pilipinas ang ‘Year of the Youth’.

“Sana yung mga youth natin mga kabataan natin ay maging concerned about the care of creation kasi sa pagkasira ng creation sila po ang maaapektuhan, ang buhay nila ang maaapektuhan. Kaya ang future nila nagde-depend sa pangangalaga sa creation kaya sila dapat ang maging vocal, sila dapat ang manawagan sa panahon ngayon sa mga leaders natin na pangalagaan ang creation,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Pinaalalahanan din ni Bishop Pabillo ang mga kabataan na mag-ingat upang hind maging biktima ng konsumerismo.

Ayon sa Obispo, ang kabataan ang karaniwang pinupuntirya ng mga advertisement at mga sale sa mall tuwing magpapasko, kaya naman aniya ay kailangang maging mapanuri ang mga ito at timbangin kung ano lamang ang kanilang kinakailangan.

Dagdag pa ni Bishop Pabillo, dapat tandaan ng bawat isa na hindi sa mga materyal na bagay makukuha ang tunay na kaligayan kungdi sa pagiging kontento sa anu mang maliit na biyaya na mula sa Panginoon.

“It’s not because we have more that we are happy, in fact when we have more, we are more burdened, mas mabigat ang dalahin natin na hindi natin alam paano ba gamitin yan at marami d’yan ay itinatapon lamang natin. Yun sinabi nga ni Papa Francisco that less is more, when we have less, we become more happy, because we value what we have at the same time we are more contented, we are more at peace,” dagdag pa ng Obispo.

Sa unang linggo ng Adbiyento pormal nang inilunsad ng simbahan sa Pilipinas ang ‘Year of the Youth’ na may temang na may temang ‘Filipino youth in mission: Beloved, Gifted, Empowered’ bilang bahagi ng paghahanda ng simbahan sa ika-500 kristiyanismo sa bansa sa taong 2021.

Sa naging mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal TAgle hinikaat nito ang kabataan na maging misyonero ni Hesus at ipalaganap ang mga turo ng Panginoon.

Kabilang na dito ang pagiging isang mabuting tagapangalaga ng kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 3,548 total views

 3,548 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 18,192 total views

 18,192 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 32,494 total views

 32,494 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 49,377 total views

 49,377 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 96,874 total views

 96,874 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top