Pakikiisa ng LGU sa pagdiriwang ng simbahan, pinuri ni Archbishop Caccia

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 536 total reads

Hinangaan ng kinatawan ng Vatican sa Pilipinas ang pagtutulungan ng Simbahan at lokal na pamahalaan sa Bataan para sa pagdiriwang na nakatuon sa kabataan.

Ito ay kaugnay sa pagkakaisa ng dalawang institusyon sa katatapos lamang na 15th Mount Samat Pilgrimage sa Pilar Bataan at ang paglulunsad ng Year of the Youth.

Ayon sa Ayon kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabrieli Giordano Caccia, nararapat na magkaisa ang simbahan at pamahalaan sa paglilingkod sa sambayanan sapagkat kapwa layunin ng dalawang institusyon ang kabutihan ng mamamayan.

“How beautiful is when the church and the government like two hands work together with different capacity for the good of the people and the people of God,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Caccia.

Nagpasalamat ang Arsobispo kay Balanga Bishop Ruperto Santos sa imbitasyon upang maging bahagi sa ika – 15 Mount Samat Pilgrimage na dinaluhan ng higit sampung libong kabataan mula sa Gitnang Luzon na nakiisa sa isinagawang living Rosary at pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya na pinangunahan nito.

Binigyang pansin ni Archbishop Caccia ang presensiya ng mga lokal na opisyal ng Bataan sa pamumuno ni Governor Albert Garcia na nakiisa sa pagtitipon bilang tagapamuno ng lalawigan.

Sa ensiklikal ni Saint Pope John Paul II na Sollicitudo Rei Socialis binigyang diin nito na ang mga pinunong pampulitika at ang mamamayan ay may tungkuling itaguyod ang mga pangangailangan, desisyon at pagkakaisa ng pamayanan.
Bukod dito, tungkulin din ng mga namumuno sa bayan na tuunan ng pansin ang pag-unlad ng bawat nasasakupan.

Kapwa hinimok ni Archbishop Caccia ang Simbahan at pamahalaan na ipagpatuloy ang pagkakaisa sapagkat layunin ng dalawang institusyon ang kabutihan ng nasasakupang mamamayan.

“So please continue to work for the common good and continue this collaboration,” ayon kay Archbishop Caccia.

Batay sa tala ng Catholic Directory mahigit sa 500, 000 ang bilang ng mga Katoliko sa Diyosesis ng Balanga o katumbas sa halos 75 porsiyento sa kabuuang populasyon ng lalawigan ng Bataan.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 18,468 total reads

 18,468 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 39,012 total reads

 39,012 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 67,191 total reads

 67,191 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 115,456 total reads

 115,456 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 137,545 total reads

 137,545 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 235,440 total reads

 235,440 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top