Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kabayanihan ng AFP at PNP sa Mindanao, kinilala ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

 451 total views

Nagpaabot ng pagkilala ang CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa kabayanihan ng mga pulis at sundalong patuloy na nakikipaglaban at nagsusulong ng kapayapaan sa rehiyon ng Mindanao.

Ayon kay Rev. Fr. Edu Gariguez, Executive Secretary ng CBCP NASSA/Caritas Philippines, naangkop lamang na magpasalamat sa malaking sakripisyo at pag-aalay ng buhay ng mga kawani ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at Philippine National Police na sa kabila ng init, gutom, panganib at pagkalayo sa kanilang mga pamilya ay patuloy na ginagampanan ang tungkuling protektahan at panatilihin ang seguridad at kaayusan ng bansa.

Iginiit ni Father Gariguez na bukod sa kabayanihan, ang ipinapakita ng mga sundalo at pulis sa Mindanao ay patunay na hindi lahat sa kanilang hanay ay mga tiwali at hindi tapat sa tungkulin.

“Malaki ang sakripisyo at kinikilala natin yung kabayanihan ng ating mga sundalo ganun din ng mga pulis. Kaya pasasalamat sa kanilang mga pamilya at siguro ito yung kabayanihang kabaliktaran naman nung mga kapabayaan sa mga nangyayaring krimen ng mga pagpatay pero ito naman sa kabilang bahagi nakikita natin yung mga kabayanihan ng kasundaluhan natin na nagtitiis ng gutom, init, pagkalayo sa pamilya at pag-aalay ng kanilang buhay din yung iba maraming sugatan, may mga namatay at ito’y para sa pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao,” pahayag ni Father Gariguez sa panayam sa Radyo Veritas.

Nabatid mula sa tala ng Armed Forces of the Philippines noong ika-24 ng Augusto, sa 778-indibidwal na namatay sa nagaganap na labanan sa Marawi City 130-dito ay mula sa puwersa ng pamahalaan, 45 ang sibilyan habang 603 naman mula sa panig ng teroristang grupong Maute.

Unang nagpaabot ng patuloy na pagsuporta at panalangin ang Military Ordinariate of the Philippines para sa mga sundalo at pulis na patuloy na nagsusumikap na maibalik ang kaayusan at kapayapaan sa rehiyon ng Mindanao kasunod ng pagpapalawig sa umiiral na Batas Militar hanggang sa ika-31 ng Disyembre 2017.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 16,180 total views

 16,180 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 24,280 total views

 24,280 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 42,247 total views

 42,247 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 71,468 total views

 71,468 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 92,045 total views

 92,045 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,669 total views

 6,669 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top