Kaguluhang nagaganap, bunga ng kasalanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 407 total views

Ang mga kaguluhang nagaganap sa lipunan ngayon ay bunga ng kasalanan.

Ito ang ipinaliwanag ni Diocese of Kalookan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez sa kapistahan ng pag-akyat ng Mahal na Birheng Maria sa langit.

Ayon sa Obispo, bilang kaisa ni Maria sa kanyang kaluwalhatian, dapat gamitin ng tao ang kanyang kakayahang kilalanin ang mga kasamaan sa lipunan at gawin ang kanyang makakaya upang masupil ito.

“Yung kaguluhan diyan yan ay bunga ng kasalanan, at bilang mga Kristiyano, bilang kaisa ni Maria, dapat nating makilala ang kasamaang yan at gawin natin an gating makakaya upang sa tulong ng Panginoon ay malutas natin yan at mapairal natin ang pagliligtas ng Diyos sa atin sa Pilipinas,” pahayag ni Bishop Iñiguez sa Radyo Veritas.

Samantala, sa kabila ng mga kaguluhan sa lipunan, ipinaalala ng Obispo na dapat paring ipagdiwang ng maligaya at makabuluhan ang dakilang pag-aakyat kay Maria sa langit.

Ayon kay Bishop Iñiguez, ang pag-aakyat kay Maria sa langit ay isang halimbawa sa mga mananampalataya kung paano matatamo ang tunay na kaligtasan sa piling ng Panginoon.

Kaya naman kung makikipag-isa ang tao kay Hesus at Maria, ay matatamasa nito ang dakilang pag-ibig ng Diyos at ang pagliligtas nito sa sanlibutan.

Kasabay ng Kapistahan ng pag-akyat sa Mahal na Birheng Maria sa langit, pinangunahan din ni Bishop Iñiguez ang banal na Misa para sa ika-394 na taon ng pagkakatatag sa simbahan ng Nuestra Señora De La Asuncion sa Bulakan, Bulacan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Itigil ang pagdanak ng dugo

 4,238 total views

 4,238 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 28,554 total views

 28,554 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 64,344 total views

 64,344 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 106,176 total views

 106,176 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 159,209 total views

 159,209 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 300,831 total views

 300,831 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top