6,081 total views
Tiniyak ng Catholic Educational Association of the Philippines o CEAP ang pagsasabuhay ng prayer intention ng Kaniyang Kabanalang Francisco ngayong January 2025 na ‘For the Right to an Education’.
Ayon kay CEAP Executive Director Jose Allan Arellano, nanatili ang CEAP sa pagsusulong sa kahalagahan ng edukasyon kung saan ang bawat isa, higit na ang mga kabataan ay dapat makamit ito.
Sinabi ni Arellano na sa pamamagitan ng edukasyon ay maisusulong ang kapayapaan,pagkakaisa at pag-unlad ng sambayanan at malawakang pagtugon sa banta sa pandaigdigang seguridad, climate change at mga paglabag sa karapatang pantao.
“The CEAP supports the Pope’s message on the right of everyone to an education that would bring everyone to a fulfillment of the world’s desire for peace, harmony and continuous march to human development. CEAP has been founded for and has always held the ideal that quality education should be accorded to everyone to enable them to reach their full potential, Global concerns like climate change, human rights violations and threats to world peace must be addressed by all nations through education and commitment to the common good,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Arellano sa Radio Veritas.
Samantala, ipinarating din ng Diocese of Novaliches Family and Life Commission ang pakikiisa at pagsasabuhay sa prayer intention ni Pope Francis ngayong Enero.
Ayon sa Komisyon, bilang mananampalataya o maging mamamayan ay tungkulin ng bawat isa na maging bahagi ng pagtatayo ng makabuluhan at nagtutulungang lipunan upang maging bahagi ang bawat isa sa pagpapaunlad higit na ng mga pamayanan na kanilang kinabibilangan.
Umaasa ang komisyon ay maituon din ng mga mananampalataya ang prayer intention at magamit ito sa pagtulong sa mga migrante, refugees at iba pang naapektuhan ng digmaan o sigalot sa kanilang mga tahanan upang maipagpatuloy ang kanilang edukasyon.
“P𝐨p𝐞’𝐬 𝐩r𝐚y𝐞r i𝐧t𝐞n𝐭i𝐨n𝐬, 𝙁𝙊𝙍 𝙏𝙃𝙀 𝘾𝙃𝘼𝙇𝙇𝙀𝙉𝙂𝙀𝙎 𝙁𝘼𝘾𝙄𝙉𝙂 𝙃𝙐𝙈𝘼𝙉𝙄𝙏𝙔 𝘼𝙉𝘿 𝙏𝙃𝙀 𝙈𝙄𝙎𝙎𝙄𝙊𝙉 𝙊𝙁 𝙏𝙃𝙀 𝘾𝙃𝙐𝙍𝘾𝙃, Pope Francis entrusts his Worldwide Prayer Network each month with prayer intentions that express his great concern for humanity and for the mission of the Church. His monthly prayer intention is a worldwide call to transform our prayer into specific actions; it is a compass for a mission of compassion for the world.”pahayag ng CEAP
𝗣𝗥𝗔𝗬𝗘𝗥 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗙𝗢𝗥 𝗝𝗔𝗡𝗨𝗔𝗥𝗬, 𝟮𝟬𝟮𝟱, 𝑭𝒐𝒓 𝒕𝒉𝒆 𝑹𝒊𝒈𝒉𝒕 𝒕𝒐 𝑨𝒏 𝑬𝒅𝒖𝒄𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏, l𝗲𝘁 𝘂𝘀 𝗽𝗿𝗮𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗺𝗶𝗴𝗿𝗮𝗻𝘁𝘀, 𝗿𝗲𝗳𝘂𝗴𝗲𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝘁𝗵𝗼𝘀𝗲 𝗮𝗳𝗳𝗲𝗰𝘁𝗲𝗱 𝗯𝘆 𝘄𝗮𝗿, 𝘁𝗵𝗮𝘁 𝘁𝗵𝗲𝗶𝗿 𝗿𝗶𝗴𝗵𝘁 𝘁𝗼 𝗮𝗻 𝗲𝗱𝘂𝗰𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝘄𝗵𝗶𝗰𝗵 𝗶𝘀 𝗻𝗲𝗰𝗲𝘀𝘀𝗮𝗿𝘆 𝘁𝗼 𝗯𝘂𝗶𝗹𝗱 𝗮 𝗯𝗲𝘁𝘁𝗲𝗿 𝘄𝗼𝗿𝗹𝗱, 𝗺𝗶𝗴𝗵𝘁 𝗮𝗹𝘄𝗮𝘆𝘀 𝗯𝗲 𝗿𝗲𝘀𝗽𝗲𝗰𝘁𝗲𝗱,” ayon naman sa mensahe ng Diocese of Novaliches – Commission on Family and Life.
Ayon sa datos ng United Nations Children’s Fund (UNICEF), hindi bababa sa 52-milyong kabataan sa buong mundo ang naapektuhan ang pag-aaral ng dahil sa pag-iral ng ibat-ibang uri ng sigalot o digmaan sa kanilang bansa.
Sa datos din ng UNICEF, umaabot na sa 625-thousand ang bilang ng mga Palestinong kabataan ang apektado ang pag-aaral dahil sa patuloy na pananakop ng Israel sa Palestine, habang ayon sa ReliefWeb, umaabot na sa 4.6-million na kabataang Ukrainians ang apektado ang pag-aaral dahil naman sa patuloy na pananakop ng Russia sa Ukraine.