Kahirapan at ang Pagasa ng Pasko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 770 total reads

Kapanalig, sa Christmas message ni Pope Francis noong nakaraang taon, inanyayahan niya tayo na pagnilayan ito: God did not choose to come into the world in grandeur, but as a humble child born into poverty.

Nakiisa ang Panginoong Hesus sa kahirapan na nararanasan ng mundo. Ang pakikiisa na ito ay napakahalaga sa ating daigdig ngayon. Halos lahat ng parte ng mundo ay hirap na makabangon mula sa pandemya. Maraming mga bansa ngayon ang nakakaranas na mataas na inflation, at naghahanda at nangangamba sa maaaring pagdating ng global recession.

Kapanalig, hindi madali ang buhay ngayon. Kahit sabihin pa na mataas ang employment rate ng ating bansa, kailangan natin suriin pa ito ng mas maigi. May trabaho nga ang mga mamamayan ngunit bitin pa rin ang sweldo. May trabaho nga ang tao pero karamihan ay sa impormal na sektor kung saan isang kahig isang tuka at walang social protection.

Ang pagtaas ng inflation at ang lumiliit na kita ng mga mamamayan ay mga hadlang sa tuloy tuloy na pag-usad ng pamilyang Pilipino pati na ng ekonomiya ng bayan. Ramdam na ito kapanalig – bumaba na nga ang average annual family income sa atin, mula P313,350 noong 2018 naging P307,190 na ito noong 202123.71% na rin ng ating populasyon ang namumuhay sa ilalim ng national poverty line.

Kapanalig ang mga datos na ito ay hindi lamang mga numero – ito ay may katumbas na paghihirap sa pamilyang Pilipino. Sa bawat pagliit ng kita ng isang pamilya, kailangang may iwaglit o ikaltas na pangangailangan. Sa ating bansa, karaniwang pagkain ang unang binabawas sa budget. Kapag hindi na kaya, mayroon ng anak na titigil sa pag-aaral. Sunod na niyan kapanalig ay ang problema na sa kalusugan at access sa iba pang batayang pangangailangan. Hindi lamang kakaunting pamilya ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon. Milyon-milyon, kapanalig. Base sa opisyal na datos: 3.5 milyong Pilipino ang mahirap, at mahigit isang milyon ang nasa subsistence level, o halos walang makain.

Kaya’t ngayong kapaskuhan, kapanalig, kailangang mas madama ng mga Filipino ang pagasa. Kailangang mas madama natin na kasama natin si Hesus sa gitna ng lahat ng kahirapang ito. Maalala sana natin, gaya ng paalala ni Pope Francis sa kanyang Sunday Angelus Address noong Disyembre 2020 na sa halip na bumili na naman tayo ng pagkarami-raming regalo para sa ating mga kaibigan at kamag-anak, tayo naman ay kumilos para sa mga kapwa nating naghihirap at walang nakaka-alala. Kapag nagawa natin ito, kapanalig, kahit papaano, nakikiisa tayo sa sitwasyon ng marami nating kababayan, at makapagdala tayo ng kahit kaunting liwanag ng pagasa sa mga kababayang natin nagdarahop.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 206,789 total reads

 206,789 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 241,462 total reads

 241,462 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 257,362 total reads

 257,362 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 293,851 total reads

 293,851 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 300,172 total reads

 300,172 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 206,790 total reads

 206,790 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 241,463 total reads

 241,463 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 257,363 total reads

 257,363 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 293,852 total reads

 293,852 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top