Kahit walang Traslacion, hindi nababawasan ang biyaya ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 776 total reads

Bagama’t hindi pangkaraniwan ang pagdiriwang ng Translacion at kapistahan ng Poong Hesus Nazareno ngayong taon, tiniyak naman ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang patuloy pa rin ang biyaya ng Panginoon.

Ito ang tiniyak ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs kaugnay na rin sa pagdiriwang ng Traslacion 2021 sa gitna ng pandemya.

“Hindi nababawasan ang biyaya na maaring ibigay ng Panginoon, ang mahalaga ay ang pagtitiwala at pananalig sa Diyos,” ayon kay Fr. Secillano.

Unang ipinagpaliban ng pamunuan ng Quiapo church at pamahalaang lokal ng Maynila ang prusisyon bilang bahagi ng pag-iingat sa pagkahawa mula sa virus at ang pagtugon sa panawagan ng pamahalaan hinggil sa pagbabawal sa maramihang pagtitipon.

Inihayag ni Fr. Secillano na hindi ang paghawak sa pisi at pagsampa sa andas ang nagkakaloob ng pagpapala kundi ang mismong kinakatawan-ang Panginoon.

“Hindi po kinakailangan na gawin ang mga bagay na ito para magbigay ng kanyang kaloob ang Panginoon sa atin. Well, hindi po sa lahat ng oras natatanggap po natin ang hinihiling natin. Pero may sinasabing in God’s own time na tayo po ang maghihintay. Basta ang mahalaga tayo ay kumakatok, tayo ay humihingi, tayo ay nakikiusap, tayo ang nagdarasal tayo ay nagtitiwala,” paliwanag pa ni Fr. Secillano.

Bukod sa Quiapo church, ilang mga simbahan sa Arkidiyosesis ng Maynila at mga karatig lalawigan ang nagsagawa ng misa nobenaryo para sa pagdiriwang ng kapistahan ng Poong Hesus Nazareno na ang layunin ay mabawasan ang mga magtutungo sa simbahan ng Quiapo.

Bagama’t walang prusisyon, ilang mga kalsada sa paligid ng Quiapo church ang isinara upang ilaan sa mga dadalo sa misa lalu’t 400-katao lamang ang maaring makapasok sa simbahan ng Quiapo at maipatupad ang physical distancing.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 28,538 total reads

 28,538 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 51,129 total reads

 51,129 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 87,629 total reads

 87,629 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 308,254 total reads

 308,254 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 341,225 total reads

 341,225 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top