Kaligtasan laban sa mga kalamidad, patuloy na panalangin ng Arsobispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 637 total reads

Ipag-adya ang bansa mula sa panganib at pagkasira dulot ng mga kalamidad.

Ito ang panalangin ni Tuguegarao Archbishop-emeritus Sergio Utleg, lalu’t magkakasunod ang dumaang bagyo sa cagayan na nakapinsala sa mga residente dahil sa pagtaas ng tubig.

“Lord we ask you to have mercy on our people save us from the devastations brought by floods, typhoons and earthquakes. We know how much you love us. We know that you will never abandon us,” bahagi ng panalangin ni Archbishop Utleg.

Ayon kay Archbishop Utleg-kasalukuyang Apostolic Administrator ng Tuguegarao, tuloy-tuloy pa rin ang kanilang isinasagawang relief operation sa mga biktima ng baha dulot ng epekto ng nagdaang sama ng panahon, bagyong Ramon at Sarah.

Kabilang sa mga labis na naapektuhan ng pagbaha ang mga bayan ng Abulug, Buguey, Vallesteros, Alacapan at ilang pang bayan sa northern part ng Cagayan.

Tiniyak din ng arsobispo ang pagiging bukas ng simbahan sa sinumang nangangailangan ng pansamantalang kanlungan lalu’t patuloy na nana-nalasa sa norte ang bagyong sarah na inaasahang lalabas ng teritoryo ng Pilipinas sa araw ng sabado.

“Oo. Bukas ang simbahan, wala naman akong alam na napa-flooded na simbahan. Kaya doon talaga sila tumatakbo, of course sa government din, marami silang tinutulong sa mga tao,” ayon pa sa arsobispo.

Si Archbishop Utleg ang kasalukuyang administrator ng Tuguegarao habang hindi pa pormal na nailuluklok si Alaminos Bishop Ricardo Baccay bilang kaniyang kahalili at bagong arsobispo ng Tuguegarao.

Sa ulat, may labing isang bayan sa Cagayan ang nalubog sa baha habang umaabot naman sa P286 na milyong ang mga nasirang pananim kabilang na ang mga bagong tanim na palay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 118,326 total reads

 118,326 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 255,883 total reads

 255,883 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 371,659 total reads

 371,659 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 487,369 total reads

 487,369 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top