5,447 total views
Ipinanalangin ni Archdiocese of Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang pag-aadya ng Panginoon sa pamamagitan ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia upang maging ligtas ang mamamayan mula sa pananalasa ng bagyong Pepito.
Umaasa ang Arsobispo na hindi maging malubha ang epekto ng bagyo at manatiling ligtas lalu na ang pinaka-vulnerable sector ng bansa.
Hinimok naman ni Archbishop Alarcon ang mamamayan na paigtingin ang pagtutulungan at pagkakapatiran sa panahon ng kalamidad upang maging daluyan ng pagmamahal ng Diyos sa kapwa.
“We ask for the prayers and motherly protection of Ina, Our Lady of Penafrancia. Sana mailihis tayo sa panganib, bigyan tayo ng lakas, di nagmamaliw na pananalig sa Dios sa harap ng mga pagsubok; pagtulong at malasakit sa isa’t-isa sa gitna ng mga pangamba; pag-asa sa awa at kalinga ng Poong Maykapal,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Archbishop Alarcon sa Radio Veritas.
Ipinaabot din ni Archbishop Alarcon na bukas ang mga simbahan sa Archdiocese of Caceres upang magsilbing evacuation centers ng mga magsisilikas na apektado ng bagyo.
“We pray to the heavenly Father that we may be spared from typhoon Pepito and from adverse or ill-effects of the typhoon. We beg for courage, strength and greater trust in the Lord as we face the threat of the typhoon, We especially pray for our vulnerable brothers and sisters. We pray for ourselves that we may continue to seek to help one another especially in these difficult times, when we experience overlapping typhoon,” panawagan ni Archbishop Alarcon.
Huling namataan ang bagyong Pepito sa layong 235km sa Hilagang Kanluran ng Catarman Northern Samar taglay ang lakas na 175-kmh kada oras at pagbugsong 215-kmh habang tinatahak ang Hilagang-Kanluran sa bilis na 25-kmh
Pinairal narin ng PAGASA Weather Forecasting Center ang Signal No.3 dahil Bagyong Pepito sa mga nasasakupang lugar ng Archdiocese of Caceres sa Camarines Sur, Sorsogon, Catanduanes kabilang na ang Silangang Albay,pinakahilagang bahagi sa Silangan ng Samar.