176 total views
Ipinanalangin ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. ang mga mambabataas para magkaroon ng kalinawan ng pag-iisip nang sa gayun ay lumikha ng batas para sa pagpapatibay ng pagsasama ng mga mag-asawa.
Ito ay kaugnay sa pagtutol ng Obispo sa divorce bill na kasalukuyang tinatalakay sa plenaryo ng Mababang Kapulungan.
“Please Lord enlighten our people, our lawmakers so that they will seek what is your will and do whats good for our country for marriage and for families,” panalangin ni Bishop Bacani.
Paliwanag ni Bishop Bacani, ang pag-aasawa o kasal ay isang mandato sa konstitusyon na kailangang pangalagaan ng estado ay hindi ang paglikha ng batas na sisira sa mag-asawa at pamilya.
“Why not think of bills that will strengthen marriage rather than think of bills or a bill that will weaken marriage as an institution. That is the mandate of the constitution and it should be protected by the state. It is foolish to think that having a divorce will strengthen the marriage I do not know by what logic that can be asserted,” ayon kay Bishop Bacani.
Una na ring nagpalabas ng pahayag ang CBCP-Episcopal Commission on Family and Life, Couples for Christ at Family and Life Ministry ng Archdiocese of Manila na kumokondena sa panukala na laban sa pamilyang Filipino.
Sa isang pahayag sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ang bawat relasyon ay may pagsubok bagama’t ang bawat isa ay may kakayahan sa pagwawasto na sang-ayon din sa kanyang kabanalan Francisco ay mapagtatagumpayan ng mga mag-asawa ng may pagmamahal.
Sa datos, simula taong 2001 ay patuloy na ang pagtaas ng bilang ng mga nagsusumite ng annulment o paghihiwalay na base sa 2015 report ay umaabot na sa 11,000 kaso ang naitatala habang bumamaba naman ang bilang ng mga nagpapakasal na umaabot na lamang sa higit 400,000 mula sa dating 500,000 noong 2005.
Bukod sa Vatican, tanging ang Pilipinas na lamang ang nananatiling ipinagbabawal ang diborsyo.