Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Giyera kontra droga, giyera kontra mahirap

SHARE THE TRUTH

 348 total views

Mga Kapanalig, sa pagbasura ng Department of Justice o DOJ sa mga kaso laban sa mga umano’y big time druglords, tumibay ang paniniwala ng maraming ang kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte ay may kinikilingan at may pinoprotektahan. Para sa iba, hindi na kagulat-gulat ang ginawang ito ng DOJ. Paraan daw ito ng paggantimpala sa mga taong pilit na iniugnay ang senadorang kritiko ng pangulo hanggang sa ito nga’y makulong. Paraan din daw ito ng pagbabalik ng pabor sa mga kaibigan, kumpare, at campaign contributor ng pangulo kahit pa ang mga ito’y tinawag niyang drug lord at minsang pinagbantaang papatayin.

Katwiran ng DOJ, kulang daw ang ebidensyang nakalap upang patunayang sangkot ang mga kinasuhan sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa. Ito ay sa kabila ng pag-amin sa isang pagdinig ng isa sa kanila na isa siyang drug dealer. Maaari ring tanungin: talaga bang naghanap ng ebidenysa ang ahensyang dapat gumawa nito?
Samantala, patuloy ang ating kapulisan sa pagsuyod sa mga mahihirap na pamayanan upang hanapin ang mga sinasabing gumagamit at nagtutulak ng droga. At alam naman po nating kahit walang ebidensya, basta’t nasa watchlist ang kanilang pangalan, maaaring target ang sinuman sa tuwing may raid, maaaring pasukin ang bahay kahit walang search warrant, at maaaring dakpin kahit walang warrant of arrest. Ang masaklap pa, ang mga napapatay, dahil daw nanlabán, ay tinataniman ng ebidenysa upang palabasing guilty.

Sinasalamin ng “war on drugs” ng administrasyong Duterte ang baluktot na uri ng katarungan sa ating bansa. Kung mayaman at maimpluwensya ka, nariyan ang proseso ng batas para iyong mapakinabangan, at masuwerte ka pa kung may kilalá ka sa pamahalaan dahil baka maabswelto ka pa. Kung mahirap ka naman, walang prosesong kailangang pagdaanan ang mga tagapagpatupad ng batas, at pasensya ka kung mabulok ka sa bilangguan kahit walang kaso, o kahit pa mapatay ka sa harap ng iyong mga mahal sa buhay. Hanggang ngayon, wala pa tayong nakikitang malaking drug lord na nakukulong o naparurusahan, samantalang dumanak na ang dugo ng mahigit 10,000 Pilipino—karamihan sa kanila’y mahihirap—bunsod ng brutal na “war on drugs.” Ngunit lalo pang tumingkad sa ginawang ito ng DOJ na ang giyera kontra droga ay giyera kontra mahihirap. Nakalulungkot na marami pa rin sa atin ang pinipiling magbulag-bulagan sa katotohanang ito, at marami ang nagbibingi-bingihan sa daing ng mga pamilya ng mga maralitang biktima.

Isa ang katarungan o justice sa mga tinatawag natin sa Simbahan na “fundamental values of social life”, mga saligang pinahahalagahan natin bilang bahagi ng lipunan. Nakaugat ang katarungan sa dignidad ng tao, at kasama ng katotohanan, kalayaan, at pag-ibig, nagkakaroon ng pagkakataon ang isang tao na palaguin ang kanyang sarili. Kung hindi tunay na katarungan ang umiiral, mabibigo rin tayong lahat na bumuo ng isang makataong lipunan. Dagdag pa ng mga panlipunang turo ng Simbahan, hindi lamang nakabatay sa kung ano ang nakasaad sa batas ang pagiging makatarungan kundi sa angking pagkatao ng bawat isa sa atin.

Mga Kapanalig, sinabi noon ni Pangulong Ramon Magsaysay, “He who has less in life should have more in law.” Ang mga aba, aniya, ay dapat na magkaroon nang higit sa batas. Hindi ito pagbibigay ng pribilehiyo sa mahihirap kundi pagkilala sa kanilang dignidad na ninanakaw ng kahirapan at kawalan ng katarungan. Ngunit, sa itinatakbo ng giyera kontra droga ng administrasyong Duterte, malinaw na ang mga mahihirap ang pinagkakaitan ng katarungan. Huwad ang katarungang ipinapangako ng marahas na pagtugis sa mga sangkot sa ipinagbabawal na gamot. Huwad ang katarungan kapag malaya ang mga nasa poder na protektahan ang iilan, lalo na ang mga malapít sa kanila, ang mga maimpluwensya sa lipunan, o ang mga may sinasabi sa buhay.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 3,160 total views

 3,160 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 9,133 total views

 9,133 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 14,888 total views

 14,888 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 22,151 total views

 22,151 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 30,136 total views

 30,136 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 3,161 total views

 3,161 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 9,134 total views

 9,134 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 14,889 total views

 14,889 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 22,152 total views

 22,152 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 30,137 total views

 30,137 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,239 total views

 35,239 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,243 total views

 47,243 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,285 total views

 55,285 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,842 total views

 46,842 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,267 total views

 45,267 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,053 total views

 47,053 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,978 total views

 43,978 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,292 total views

 58,292 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,982 total views

 61,982 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,585 total views

 60,585 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top