Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kalookan Bishop Iñiguez, hinimok ang mga mananampalataya na tularan si Saint Francis of Assisi

SHARE THE TRUTH

 2,271 total views

Hinimok ni Kalookan Bishop Emeritus Deo Gracias Iñiguez Jr ang mga mananampalataya na sundin at tularan ang buhay ni Saint Francis of Assisi upang higit pang mapalalim ang pagsunod sa Panginoon at pagmamahal sa kapwa.

Ito ang mensahe ng Obispo sa pangunguna niya sa misang inialay para sa Franciscan Jubilee Year sa Parish of Saint Francis of Assisi sa Meycuayan, Bulacan. Ayon kay Bishop Iñiguez, ang halimbawa ni San Francisco ay nagpapakita kung paano maging daluyan ng pagmamahal ng Diyos, lalo na sa mga mahihirap at nangangailangan.

“Kilala natin si San Francisco sa kanyang pagkilala at pagmamahal sa Diyos, at sa kanyang malasakit sa kapwa-tao. Ito ang dapat nating taglayin upang maging tunay na anak ng Diyos at tagapagtaguyod ng pananampalataya,” ani Bishop Iñiguez sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin ng Obispo ang kadakilaan ng Santo, na walong siglo na ang nakalipas, at ang kanyang pakikiisa sa mahihirap matapos iwanan ang marangyang pamumuhay. Aniya, ang ika-800 anibersaryo ng kanyang pagpanaw ay paalala para sa lahat na pagnilayan at palalimin ang sariling pananampalataya.

“Sapagkat ngayon ang walong daang taon mula nang pumanaw si San Francisco, itinuturing natin siyang dakilang santo. Ang paggunita na ito ay hamon sa atin na gawing banal at makabuluhan ang bawat sandali ng ating pananampalataya,” dagdag pa ni Bishop Iñiguez.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 68,939 total views

 68,939 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 87,288 total views

 87,288 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 105,572 total views

 105,572 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 260,353 total views

 260,353 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 304,800 total views

 304,800 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 160,131 total views

 160,131 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 266,398 total views

 266,398 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 292,212 total views

 292,212 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 295,482 total views

 295,482 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top