ACSP 29th National Assembly, matagumpay sa pagpapalaganap ng pananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 43,069 total reads

Matagumpay na idinaos ang 29th National Assembly ng Association of Catholic Shrines and Pilgrimages (ACSP) sa Minor Basilica and Parish of La Purisima Concepcion sa Santa Maria, Bulacan.

Ayon kay ACSP President, Fr. Reynante Tolentino, ang pagtitipon ay nagbigay-daan sa mas malalim na dayalogo, pagbabahagi ng karanasan, at pagtutulungan ng mga Rector, Parish Priest, altar servers, at mga tagapangalaga ng dambana sa buong bansa. Layunin nito na higit na mapalakas at mapangalagaan ang mga Pilgrim Sites at dambana bilang tahanan ng Diyos at ng mga deboto.

Nagpasalamat din ang pari kay Bishop Dennis Villarrojo ng Diocese of Malolos, pati na rin sa lahat ng parokya, pari, at kawani ng simbahan na tumulong sa mga delegado ng ACSP. Binanggit ni Fr. Tolentino ang pagsisikap ng bawat miyembro ang naging susi sa matagumpay na pagpapatibay ng pananampalataya sa lokal na komunidad.

Hinimok din ng pari ang mga Pilipino na suportahan ang mga adbokasiya ng ACSP, lalo na sa pagpapabuti ng mga dambana at pagpapalaganap ng pananampalataya, bilang paghahanda sa 30th ACSP National Assembly na gaganapin sa Bohol sa 2028.

Ayon kay Fr. Tolentino, “Two years pa mula ngayon, ngunit magsasama-sama tayo ulit upang magdiwang, magbahagi ng karanasan, at patatagin ang ating pananampalataya sa Panginoong Hesukristo at debosyon sa Mahal na Birheng Maria.”

Naging tampok sa 29th ACSP National Assembly ang pagtutulungan at pagdayalogo upang mas mapalakas ang mga dambana at pilgrimages site sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 4,897 total reads

 4,897 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 57,847 total reads

 57,847 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 105,719 total reads

 105,719 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 209,666 total reads

 209,666 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 295,532 total reads

 295,532 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top