Wakasan ang human trafficking, panawagan ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 53,039 total reads

Mariing kinondena ni Pope Leo XIV ang human trafficking at tinawag itong isang mabigat na krimen laban sa sangkatauhan.

Sa kanyang mensahe para sa ika-12 World Day of Prayer and Awareness against Human Trafficking na ginugunita ngayong February 8, muling iginiit ng Santo Papa ang matibay na paninindigan ng Simbahang Katolika na harapin at wakasan ang makabagong anyo ng pang-aalipin.

Binigyang-diin ni Pope Leo na ang tunay na kapayapaan ay nagsisimula sa pagkilala at paggalang sa dignidad na ipinagkaloob ng Diyos sa bawat tao. Subalit sa panahon ng karahasan at digmaan, ay madalas isinasantabi ang buhay ng tao kapalit ng interes na pulitikal at pang-ekonomiya.

“True peace begins with the recognition and protection of the God-given dignity of every person. Yet, in an age marked by escalating violence, many are tempted to seek peace through weapons as a condition for asserting one’s own dominion,” ayon sa mensahe ni Pope Leo.

Ayon pa sa Santo Papa, ang armadong tunggalian at kawalang-katatagan sa iba’t ibang panig ng mundo ay lumilikha ng mga pagkakataon para sa mga human trafficker na pagsamantalahan ang mga lumikas at mahihinang sektor, lalo na ang kababaihan at kabataan.

Nagbabala rin ang pinunong pastol sa pag-usbong ng tinatawag na cyber slavery, kung saan nililinlang ang mga biktima sa online schemes at itinutulak sa mga ilegal na gawain tulad ng droga at panloloko. tao.

Hinimok ni Pope Leo ang mga Kristiyano na tumugon sa pamamagitan ng panalangin at kamalayan. Aniya, ang panalangin ang nagbibigay-lakas upang labanan ang kawalang-malasakit, habang ang kamalayan ang susi sa pagbuwag sa mga sistemang mapagsamantala, kabilang na sa digital space.

Ayon pa kay Pope Leo XIV, “Let us all join the journey toward a world where peace is not merely the absence of war, but is ‘unarmed and disarming,’ rooted in full respect for the dignity of all.”

Ipinagkatiwala niya ang pagdiriwang ng World Day laban sa Human Trafficking kay Santa Josefina Bakhita, bilang sagisag ng pag-asa at paninindigan para sa isang mundong may tunay na kapayapaan at paggalang sa dangal ng bawat isa.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 17,159 total reads

 17,159 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 81,404 total reads

 81,404 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 118,192 total reads

 118,192 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 148,766 total reads

 148,766 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 198,407 total reads

 198,407 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 260,005 total reads

 260,005 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top