Pangangalaga sa maysakit, kolektibong misyon ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 44,268 total views

Iginiit ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na ang pangangalaga sa mga may sakit ay hindi lamang tungkulin ng mga manggagawang pangkalusugan kundi kolektibong misyon ng Simbahan na nagmumula sa habag at dignidad ng tao.

Ito ang pagninilay ni Archbishop Garcera sa Banal na Misa na kanyang pinangunahan noong February 7, 2026 para sa pagdiriwang ng ika-34 na World Day of the Sick at Jubilee Celebration of Healthcare Professionals and Pastoral Healthcare Workers sa Minor

Basilica of the Immaculate Conception – Archdiocesan Shrine of Sto. Niño ng Batangan sa Batangas City, Batangas, sa ilalim ng Archdiocese of Lipa.

“Kapag tayong mga doktor, nurses, medical personnel ay naglilingkod sa may sakit, kayo ay nakikibahagi sa gawain ni Kristo. Ang inyong bokasyon ay hindi namang propesyon. Ito ay pakikibahagi sa ministeryo ng pagpapagaling ni Kristo… You become a sacrament of God’s blessing,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Garcera.

Binigyang-diin ng arsobispo ang kahalagahan ng karunungan ng puso sa larangan ng medisina, na karunungang nagmumula sa Diyos at humuhubog sa makatarungan at makataong pagpapasya, malasakit, at paglilingkod.

Paliwanag ni Archbishop Garcera, ang naturang karunungan ay biyaya ng Diyos na tumutulong makita ang tao hindi lamang bilang pasyente kundi taong may dignidad. Ibinahagi rin ng arsobispo ang pagkakaiba ng incurable at uncarable, kasabay ng paalala ni

Papa Leon XIV na ang kawalan ng lunas ay hindi kailanman dapat mangahulugan ng kawalan ng malasakit.

“Incurable is a medical terminology. Uncareable is a spiritual way of our attitude towards the sick… Pakatandaan natin, tayo din ay may care, may pagpapahalaga, sapagat ang bawat isa—may sakit man o may suliranin sa mental health—ay may dignidad bilang tao,” ayon kay Archbishop Garcera.

Bilang bahagi ng Jubilee Celebration, hinamon ni Archbishop Garcera ang mga deboto ng Mahal na Birhen ng Lourdes at mga healthcare workers na palawakin ang kanilang debosyon tungo sa konkretong paglilingkod sa mga may karamdaman.

Aniya, ang tunay na pananampalataya ay isinasabuhay sa araw-araw na pangangalaga sa mga maysakit. “Panawagan para sa mga [deboto ng] Our Lady of Lourdes, bokasyon ng mga doktor [at] medical personnel, ang inyong mga kamay ay hindi lamang kamay ng propesyonal. Ito ay kamay na hinihirang upang magpagaling. Ang inyong puso ay hindi lamang pusong makatao. Ito ay pusong hinubog ng habag ni Kristo,” hamon ni Archbishop Garcera.

Tema naman ng naturang Jubilee Celebration sa Arkidiyosesis ng Lipa ang “Healing Hands, Hopeful Hearts: A Jubilee of Service and Life.”

Iginiit ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na ang pangangalaga sa mga may sakit ay hindi lamang tungkulin ng mga manggagawang pangkalusugan kundi kolektibong misyon ng Simbahan na nagmumula sa habag at dignidad ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 59,189 total views

 59,189 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 133,803 total views

 133,803 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 213,882 total views

 213,882 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 257,021 total views

 257,021 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 254,596 total views

 254,596 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top