Diocese of Iligan, nanawagan ng tulong at panalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 50,214 total reads

Nanawagan ng tulong at panalangin si Iligan Bishop Jose Rapadas III para sa libo-libong pamilyang labis na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Basyang sa Iligan City.

Batay sa datos na nakalap ng Diyosesis ng Ilagan, 23 sa kabuuang 44 na barangay sa lungsod ang apektado ng bagyo.

Tinatayang 17,000 indibidwal o humigit-kumulang 3,500 pamilya, kabilang ang halos 500 senior citizen, ang pansamantalang nanunuluyan sa mga barangay gym, barangay hall, paaralan, at ilang simbahan.

“Many homes were damaged, livelihoods disrupted, and basic needs remain unmet, especially among the most vulnerable,” ayon kay Bishop Rapadas.

Dahil sa lawak ng pinsala, idineklara na ng Pamahalaang Lungsod ng Iligan ang State of Calamity upang mapabilis ang paglalabas ng pondo para sa agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente.

Aktibo ring kumikilos ang mga lokal na pamahalaan, civil society organizations, at volunteers mula sa mga parokya sa pamamahagi ng relief goods at tulong sa mga evacuation center.

Kabilang sa mga agarang pangangailangan ng mga evacuee ang mga damit, hygiene kits, sleeping mats o sleeping kits, at food packs.

Batay sa huling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tuluyan nang humina at naging low pressure area ang Bagyong Basyang, habang ibinaba na rin ang Tropical Cyclone Wind Signal sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 58,110 total reads

 58,110 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 162,284 total reads

 162,284 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 199,072 total reads

 199,072 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 229,647 total reads

 229,647 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 275,687 total reads

 275,687 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 57,466 total reads

 57,466 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top