Kalusugan ng mga Bata

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 552 total views

Kapanalig, hindi maalis-alis ang problema ng stunting o pagkabansot sa ating bansa. Kay dami dami pa ring mga bata sa ating bayan ang masyadong maliit at magaan para sa kanilang edad. Sintomas ito ng malakawan at matagalang kakulangan sa nutrisyon ng maraming mga komunidad sa ating bayan.

Ayon sa World Bank, isa sa tatlong bata ay stunted o bansot sa ating bayan. Ang stunting ay hindi lamang pagiging payat o maliit, nagdudulot din ito ng marami pang komplikasyon sa katawan ng bata. Kulang sila sa resistensya sa ibat ibang sakit, pinupurol din nito ang utak at pag-iisip nila. May mga pagkakataon na nahihirapan ding huminga ang mga batang stunted. Sakit ang dinadanas nila sa kasalukuyan, na may panghabang buhay na epekto sa  kanilang katawan at pag-iisip.

Kadalasan, ang mga bata ay nababansot dahil sa kahirapan – hindi kaya ng kanilang pamilya na mabigyan ng masustansyang pagkain ang kanilang mga anak. Mas malala ang ganitong problema sa mga probinsiya kung saan salat na sa pagkain ang mga bata, salat pa sila sa mga kalingang pangkalusugan. Kahit pa nga minsan may mga health centers o doctor, mas marami ang hindi pumupunta dito dahil gastos pa sa pamasahe, bayad sa doctor, at gamot. Isa rin sa mga nagpapalala ng stunting sa hanay ng mga bata ay ang kakulangan sa impormasyon ukol sa pangangalaga sa mga bata.

Para malabanan ang stunting, kailangan natin kumilos ng nagkakaisa  – whole of community approach, kapanalig. Hindi lamang ang pamahalaan ang kasama dito, kundi tayong lahat – mula sa household level, kasama ang komunidad. Kailangan nating maglunsad ng malawakang kampanya para dito para mapangalagaan natin ang kalusugan ng mga bata.

Ang kampanyang ito ay hindi lamang dapat malimita sa pagtuturo ng tamang pagkain o sa pagkonsulta sa mga health professionals. Ang kampanya para sa kalusugan ng mga bata ay kailangan ding isama ang kabutihan ng pamilya at komunidad. Kasama dito ang livelihood ng mga tahanan para may pantustos sila ng pagkain. Kasama rin dito ang kalinisan sa komunidad para mailayo natin sa mga sakit ang mga bata.

Kapanalig, ang problema ng stunting ay sintomas ng chronic poverty sa ating bayan. Kahit maglunsad pa tayo ng feeding program, magkukulang at magkukulang ito kung hindi natin maiaangat sa kahirapan ang maraming pamilyang Pilipino. Kaya’t akma ang paalala ng Gaudium et Spes sa atin: Feed the people dying of hunger, because if you do not feed them you are killing them… Above all, give them aid which will enable them to help and develop themselves.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 63,396 total views

 63,396 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 59,265 total views

 59,265 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 95,467 total views

 95,467 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 103,610 total views

 103,610 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 127,653 total views

 127,653 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT BIGO ANG K-12?

 63,397 total views

 63,397 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 59,266 total views

 59,266 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 95,468 total views

 95,468 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 103,611 total views

 103,611 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »
Scroll to Top