CEAP, nanawagan sa business sector na bigyan ng trabaho ang SHS graduates

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,421 total views

Hinimok ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang Private business sector na magkaroon ng pagbabago sa kanilang mga polisiya sa pagtanggap ng mga job applicant.

Ayon kay Jose Allan Arellano – Executive Director ng CEAP, ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Senior High School (SHS) graduates na magkaroon o makasabay sa paghahanap ng mga trabaho.
“One of the keys to solving that is to ensure proper training of SHS graduates, but the greater solution is encouraging the business sector to expand or create more opportunities for entrepreneurship, the government, therefore, through its monetary and fiscal programs can help a lot to stimulate the economy and create more jobs,” mensahe sa Radio Veritas ni Arellano.

Inihayag ni Arellano ang patuloy na pakikipagtulungan at pananatiling bukas ng CEAP sa pakikipagdiyalogo sa pribadong sektor upang matulungan ang mga nagsipagtapos ng Senior High na magkaroon ng trabaho.
Nangangamba si Arellano na mahirapang makasabay ang mga senior high graduate sa mga nagtapos ng karera sa kolehiyo sa paghahanap ng trabaho.

Tiniyak din ng opisyal ng CEAP na maayos , matatag at napapanahon ang mga itinuturong paksa o pagsasanay ng mga katolikong paaralan at institusyon sa mga SHS student upang maging handa sa pagkakaroon ng trabago pagkatapos mag-graduate.

“Most companies use a hiring and recruitment policy based on merits and qualification of applicants, if they are faced with applicants who are coming straight from SHS and those who have tertiary education, they tend to get the one with better skills and educational background, and if there are less opportunities in the business sector and more job applicants, the ones who suffer are those with less experience and years of education,” bahagi pa ng mensahe at pangamba ni Arellano nang dahil sa kakulangan ng oportunidad para sa mga SHS Graduates.

Ginawa ni Arellano ang panawagan kasunod ng paalala ng Department of Education sa paglulunsand ng MATATAG agenda na layuning tulungan ang mga SHS Graduates na magkaroon ng sapat na kasanayan at kakayahan.
Pinaiigting rin ng MATATAG agenda ang pakikipagtulungan sa pribadong sektor sa pagbibigay ng oportunidad makapagtrabaho kasabay ng pagkakaroon ng sapat na agapay sa mga gurong nagtuturo sa SHS.

Batay sa datos ng DEPED, 10% lamang ng mga SHS graduates taon-taon ang nagkakaroon ng trabaho habang umaabot naman sa 83% ang nagpapatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 61,148 total views

 61,148 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 57,017 total views

 57,017 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 93,219 total views

 93,219 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 101,435 total views

 101,435 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 125,669 total views

 125,669 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top