Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 70,434 total views

Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025. 

Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng Davao din. “Confirmed ‘yan,” bida ni VP Sara. Ang kanyang nanay daw ang nagsabi sa kanya. Ang bise presidente naman, planong bumalik sa pagiging mayor ng siyudad na pinamumunuan na ng kanilang pamilya sa loob ng napakahabang panahon. 

Talaga namang family business ang tingin ng mga pulitiko sa pagpasok sa gobyerno. Malayo ito sa ipinaalala ni Pope Francis sa pagdiriwang ng World Day of Peace noong 2019. Aniya, “Politics is an essential means of building human community and institutions, but when political life is not seen as a form of service to society as a whole, it can become a means of oppression, marginalization and even destruction.” Ang tuon ng pulitika, ayon sa Santo Papa, ay ang bumuo ng pamayanan at institusyon para sa kapakanan ng tao. Kung hindi tao ang prayoridad ng pulitika kundi ang makikitid na interes ng mga nasa larangang ito, nauuwi ito sa pang-aapi, pagsasantabi, at pagkawasak ng tao. 

Hindi na bago ang mga tinatawag na “kamag-anak, incorprated” sa pulitika sa ating bansa. Mula sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno hanggang sa mga nasa barangay, halos magkakamag-anak ang mga namumuno. Mag-ama, mag-ina, mag-asawa, magkakapatid, magpipinsan—lahat mula sa isang pamilya o angkan. Kilala sila sa tawag na political dynasty. Sa simpleng depinisyon, ang isang opisyal ng gobyerno ay miyembro ng political dynasty kung may kamag-anak siyang nahalal din sa puwesto. Ayon sa pagmo-monitor ng Ateneo School of Government, 67% ng mga kongresista bago ang halalan noong 2022 ay mula sa political dynasty. Nasa 80% naman sa mga gobernador at 53% sa mga alkalde ng bayan. 

Fat o mataba ang isang political dynasty kung sabay-sabay na nakaupo sa puwesto ang mga magkakamag-anak. Marami ang mga ganito ngayon. Huwag na tayong lumayo: si Pangulong BBM, may kapatid na senador at may anak at pinsan na congressman. Sa pamilya naman ni VP Sara, nasa pulitika rin ang kanyang mga kapatid. Maaari itong mas tumaba o maging fat pa kung tatakbo nga sa pagkasenador at manalo ang kanyang ama at mga kapatid.

Laganap ang mga political dynasties dahil sila ang ating ibinoboto. Maraming dahilan kung bakit. Siguro dahil sila ang nalalapitan ng mga tao sa panahon ng pangangailangan. Ang pagboto sa kanila ay paraan ng pagtanaw ng utang na loob. O baka dahil sila ang pamilyar sa mga tao. Pero may mga pagkakataon din kasing wala nang ibang pagpipiliian ang mga tao tuwing eleksyon. Matatalo lamang kasi ang sinumang magtatangkang tumabko laban sa mga miyembro ng kilalang dinastiya sa isang lugar. Sa huli, talaga yatang bihirang nakabatay sa plataporma at track record ang pagpili ng maraming botante.

Hindi nakikita at lubos na nauunawaan ng marami sa ating may hindi magagandang epekto ang pamamayagpag ng mga political dynasties. Ayon pa rin sa Ateneo School of Government, may koneksyon ang pamumuno ng mga political dynasties sa mas mabagal na pag-unlad ng isang lugar, paglala ng katiwalian, at paghina ng demokrasya. Ang mga epektong ito ang pilit na itinatago ng mga pamilyang matindi ang kapit sa kapangyarihan sa pamamagitan ng pagbulag sa mga tao gamit ang mabubuti raw nilang ginagawa.

Mga Kapanalig, sabi nga Marcos 9:35, “Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging huli sa lahat, at maging lingkod ng lahat.” Gaano ito katotoo sa mga kasapi ng “kamag-anak, inc.”?

Sumainyo ang katotohanan.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pandaigdigang kapayapaan

 3,685 total views

 3,685 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »

Diabolical Proposal

 14,600 total views

 14,600 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »

Pagsasayang Ng Pera

 22,336 total views

 22,336 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Education Crisis

 29,823 total views

 29,823 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 35,148 total views

 35,148 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pandaigdigang kapayapaan

 3,686 total views

 3,686 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diabolical Proposal

 14,601 total views

 14,601 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasayang Ng Pera

 22,337 total views

 22,337 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Crisis

 29,824 total views

 29,824 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 35,149 total views

 35,149 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagbabalik ng pork barrel?

 39,713 total views

 39,713 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mag-ingat sa fake news

 34,094 total views

 34,094 total views Mga Kapanalig, kung aktibo kayo sa social media, baka napadaan sa inyong news feed ang mga posts na nagbababalâ tungkol sa panibagong pagkalat ng sakit sa ibang bansa. Dumarami daw ang mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan at ospital dahil sa isang uri ng pneumonia. Tumaas din daw ang bilang ng mga kine-cremate,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malalim Na Debosyon Kay Jesus Nazareno

 48,311 total views

 48,311 total views Sa nakalipas na (4) centuries, ang makasaysayan at iconic miraculous statue(imahe) ni Jesus Christ na pasan ang kanyang krus ay naging simbulo ng passion, pagsakripisyo at pananampalataya ng mga katolikong Filipino. Ang life-size na imahe ni Hesus ay nakadambana (enshrined) sa tanyag na Quiapo church o Minor Basilica at National Shrine of Jesus

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sss Premium Hike

 61,529 total views

 61,529 total views Kapanalig, sa 3rd quarter ng taong 2024 survey ng OCTA research, 11.3-milyong pamilyang Pilipino o 43-percent ng kabuuang 110-milyong populasyon ng Pilipinas ang dumaranas ng kahirapan. Naitala naman ng Philippine Statistic Authority noong November 2024 na 1.66-milyong Pilipino ang walang trabaho habang 49.54-milyon naman ang kasalukuyang labor force sa Pilipinas. Dahilan ng kahirapan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

3 Planetary Crisis

 53,444 total views

 53,444 total views Kapanalig, tayo ay binigyan ng panginoon ng napakahalagang tungkulin… Ito ay upang pangalagaan at protektahan ang sangnilikha, nararapat tayong maging responsable at magiging katiwala ng panginoon ng sangnilikha… ang ating nag-iisang tahanan, ang nagbibigay sa ating mga tao ng buhay at kabuhayan. Gayunman, tayo ay naging pabaya, tayo ay naging mapagsamantala… tayo ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang Generation Beta

 56,626 total views

 56,626 total views Mga Kapanalig, ang mga isisilang simula ngayong 2025 hanggang 2039 ay kabilang na sa bagong henerasyon na kung tawagin ay Generation Beta.  Sinusundan nila ang mga Gen Alpha na ngayon ay edad 15 pababa (o mga ipinanganak umpisa 2010) at ang mga Gen Z na nasa pagitan ng 16 at 30 taong gulang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malusog na bagong taon

 58,025 total views

 58,025 total views Mga Kapanalig, isang linggo na tayong nasa bagong taon.  Anu-ano ang inyong new year’s resolution? Kasama ba ang pagda-diet at pagkain ng mas masustansya, pag-e-exercise o pagpunta sa gym, o pag-iipon ng pera? Anuman ang inyong resolution, sana ay nagagawa pa ninyo ito at hindi pa naibabaon sa limot. Kung may isang mainam

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Polusyon sa bagong taon

 56,368 total views

 56,368 total views Mga Kapanalig, hudyat ang bawat bagong taon ng pagsisimula ng sana ay mas mabuting pagbabago para sa ating sarili. Pero hindi ito ang kaso para sa ating kapaligiran. Nitong unang araw ng 2025, pagkatapos ng mga pagdiriwang, inilarawan ng IQAir bilang “unhealthy” ang kalidad ng hangin sa Metro Manila. Ang IQAir ay isang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

The End Of Pork Barrel

 65,010 total views

 65,010 total views Kapanalig, noong 2013 winakasan na ng Supreme Court ang paglustay ng mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan sa pera ng taumbayan nang ideklara na iligal at unconstitutional ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o sinasabing congressional pork barrel. Pero hindi pa dead, tuloy-tuloy ang biyaya ng pork barrel Kapanalig, ang pork barrel system

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paasa At Palaasa

 74,570 total views

 74,570 total views Kapanalig, 2025 na., isa kaba sa mga taong nagtataglay ng ugaling ito? Tuwing papasok ang bagong taon, tayong mga tao ay maraming gustong baguhin sa sarili…mga ugaling hindi kanais-nais, pisikal na kaanyuan, pakikitungo sa kapwa… kaaya-aya sana kung unang-una ang pagpapatawad. Kapanalig, ano ang mga “To do list” mo ngayong 2025? Kapanalig, napahalaga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top