Kandidatong hindi nakalagda sa TRUTH covenant, nag-sorry

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 359 total reads

Nag-sorry sa pamunuan ng Radio Veritas at kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga kandidatong hindi nakalagda sa TRUTH covenant sa Manila cathedral noong ika-2 ng Mayo, 2016.

Ang paghingi ng paumanhin ng mga kandidato ay patunay nang kanilang pagkilala at pagpapahalaga sa isinagawang TRUTH covenant signing ng Radio Veritas at Simbahang Katolika.

Upang pagtibayin ang kanilang pakikiisa sa layunin, personal na pumunta sina Presidential candidate Senador Grace Poe, Vice-presidential aspirant Francis “Chiz” Escudero at Senatorial candidates na sina Joel Villanueva, Dante Liban at Neri Colmenares para lumagda sa Truthful, Responsible, Upright, Transparent & Honest (T.R.U.T.H.) elections 2016 covenant sa Veritas chapel, West Avenue, corner Edsa, Quezon City kahapon ika-4 ng Mayo, 2016.

Personal namang humingi ng paumanhin si Poe sa pamunuan ng Radio Veritas at Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle nang hindi makadalo sa isinagawang signing ng TRUTH covenant matapos ang banal na misa na pinangunahan ng kanyang Kabunyian sa Manila Cathedral noong ika-2 ng Mayo, taong kasalukuyan.

Ayon kay Poe, personal din siyang sumulat kay Cardinal Tagle para humingi ng paumanhin matapos niyang ma-miss ang napakahalagang event signing na paalala sa mga kandidato para magkaroon ng tapat at mapayapang halalan sa ika-9 ng Mayo.

Iginiit ni Poe na bagama’t may mga batuhan ng putik sa pagitan ng mga kandidato ay mahalaga ang ginagawa ng Simbahan para tuwinang bigyang paalala ang mga tumatakbo sa halalan.

Nilinaw naman ni Escudero na lumagda siya sa TRUTH covenant para ipakita na tapat siyang maglilingkod sa mga mahihirap sa pamamagitan ng tamang allocation ng government resources.

Tiniyak din ni Escudero na bibigyan niya ng mas malaking budget ang mga mahihirap na sektor ng lipunan tulad ng labor force o manggagawa.

Para naman kay Colmenares, ang paglagda sa Truth Covenant ay katibayan ng relasyon ng isang pulitiko na lumagda sa Panginoon na nangangako na hindi mandaraya, at magiging tapat.

Sinabi ni Colmenares na ang kanyang paglagda ay pangako mismo sa harap ng panginoon at patunay na may isang salita at paninindigan ang isang politiko.

Itinuturing din nito ang “covenant” na sign of Hope.

Inihayag naman ni Liban na ang kanyang paglagda ay patunay na buo ang kanyang puso na ipaglaban ang mga karapatan ng pamilyang Pilipino.

Itinuturing naman ni Villanueva ang TRUTH covenant na mahalagang bagay na magpapatunay na ang isang pulitiko ay isang mabuting halimbawa at ehemplo sa mga kabataan.

Nangangako din si Villanueva na tatalima sa mga kautusang itinakda ng Panginoon na kailangan ng malinis na halalan at mapangalagaan ang karapatan ng bawat mamamayan na maghalal ng lider para sa Pilipinas.

Si Presidential candidate Rodrigo Duterte ay nakikipag-ugnayan din sa Radio Veritas sa kahandaang pumirma sa TRUTH covenant.

Lunes ika-2 ng Mayo nang isinagawa ang misa at paglagda ng mga kandidato sa TRUTH covenant.

T.R.U.T.H. COVENANT

We, as leaders of this country, pledge to support and promote the right of every Filipino to vote;

We pledge to advocate Truthful, Responsible, Upright, Transparent & Honest (T.R.U.T.H.) Elections in these 2016 Synchronized National & Local Polls.

We pledge to support campaigns that aim to motivate the Filipino people take responsibility for the country by participating in the polls. We also exert great effort and exhaust all means to encourage every Filipino to responsibly exercise their right to suffrage;

We pledge to avoid resorting to the politics of personalities and patronage, to refrain from using guns, goons and gold;

We pledge to strongly admonish our relatives, friends, followers and supporters to desist from using violence, deceit, fraud and other unfair and dishonest practices.

We will uphold the credibility and the integrity of the remaining campaign period and election process and the dignity of the Filipino people;

We will uphold the constitution and support T.R.U.T.H. (Truthful, Responsible, Upright, Transparent & Honest) Elections on May 9, 2016;

We will remember always that we are God’s steward on earth and must therefore promote at all times a safe, clean and wholesome environment and an unequivocal respect and reverence for life;

We commit ourselves to this covenant signed on this 2nd Day of May in the Year of our Lord 2016 at Manila Cathedral, Intramuros, Manila.

Lumagda sa TRUTH covenant sa Manila Cathedral sina Vice President Jejomar Binay at dating DILG Secretary Manuel Roxas kasama 16-na senatorial candidates na kinabibilangan nina Vicente Sotto III, Martin Romualdez, Isko Moreno, Roman Romulo, Leila De Lima, Princess Jacel Kiram, Eid Kabalu, Riza Hontiveros at Francis Tolentino.

Naging saksi sa TRUTH covenant signing sina Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, Radio Veritas President Fr. Anton Pascual, Comelec Chairman Andres Bautista, PNP Chief Ricardo Marquez, mga kinatawan ng PPCRV, NAMFREL, Taskforce 2016 at LENTE.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 15,178 total reads

 15,178 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 78,018 total reads

 78,018 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 114,806 total reads

 114,806 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 145,614 total reads

 145,614 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 195,363 total reads

 195,363 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 256,962 total reads

 256,962 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 187,781 total reads

 187,781 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 338,993 total reads

 338,993 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top