Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

P12-B pinsala ng El Niño sa bansa, kasalanan ng gobyerno – Bp. Pabillo

SHARE THE TRUTH

 193 total views

Isinisi ng isang obispo sa pamahalaan ang malaking halaga ng pinsal ng El Niño sa bansa.

Ayon kay Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, huli na ang lahat matapos na umabot na sa P12 bilyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura mula Enero hanggang Abril dahil sa El Nino.

Sinisi rin nito ang administrasyong Aquino sa mga pangakong binibitawan nito na nakahanda na sila sa banta ng matinding tagtuyot habang nagpapatuloy naman ang hinaing ng nasa mahigit 5,000 magsasaka sa Mindanao dahil sa gutom.

“Malaki nang pinsala, nasaan ang tulong na ibinigay nila? Bakit ngayon lang naglaan ng pondo dapat noon pa yang El Nino. Ngayon lang sila maglalaan. Baka naman ilagay ang pondo pag tapos na ang El Nino. Dapat noon pa yan sabi nila ready sila. Noon pa sabi nila ready sila. Bakit ang mga farmers hanggang ngayon dumadaing. Baka ilalaan nila ang pondo at lumabas ang pondo pag tapos na. Saan naman kukunin ulit ng pondo,itigil na ang salita at kailangan ng kumilos ng pamahalaan lalo na sa paglalaan ng sapat na supplay ng bigas, pagkain at binhi para sa mga magbubukid. “Dapat ibigay na yung basic na pangangailangan ng mga magsasaka huwag na nilang sabihin na may ginagawa sila. Kailangan ng bigas, bigyan ng bigas, kailangan ng pagkain bigyan ng pagkain. Ngayon na talaga emergency na kailangan nila ngayon,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Nabatid na 39 na mga probinsya sa buong bansa ang nasa ilalim ng state of calamity dahil sa El Nino phenomenon.

Habang batay naman sa tala ng United Nations tinatayang 60 milyon katao na sa iba’t ibang panig ng mundo lalo na sa Africa ang nangangailangan ng agarang tulong dahil sa trahedyang dala ng tagtuyot.

Batay pa sa taya ng UN ang lugi sa ekonomiya sa Southeast Asia dahil sa tagtuyot ay posibleng umabot na sa 10 bilyong dolyar.

Nauna na rito ipinagmalaki ng Department of Budget and Management (DBM) na inilabas na nila ang kabuuang P842.5 Million na QRF o Quick Response Funds para sa mga El Niño-related programs ng gobyerno.

Sa kasalukuyan ay may natitira pang P471 Bilyon na budget para sa QRF ayon sa impormasyon na inilabas ng DBM.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 88,743 total views

 88,743 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 96,518 total views

 96,518 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 104,698 total views

 104,698 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 120,195 total views

 120,195 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 124,138 total views

 124,138 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 14,688 total views

 14,688 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 98,273 total views

 98,273 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 89,972 total views

 89,972 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top