185 total views
Ikinababahala ng isang Arsobispo ang patuloy na extra judicial killings at mga paglabag sa karapatang pantao sa Davao City.
Tinukoy ni Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma ang datos ng human rights watch ma mula 1998 hanggang 2015 ay naitala ang 1,424 na kaso ng extra judicial killing sa Davao City kung saan 132 sa mga biktima ay mga bata na may edad 17-taong gulang pababa.
Ikinadismaya ng Arsobispo na hanggang sa kasalukuyan ay wala sa mga miyembro ng Davao death squad ang naparusahan o napanagot sa batas.
Dahil dito, pinaalalahanan ng Arsobispo ang mga botante na iboto sa May 9, 2016 elections ang mga kandidatong nagsusulong sa digdinad ng tao at nagpapahalaga sa kasagraduhan ng buhay.
Iginiit ni Archbishop Ledesma na matitigil lamang ang culture of death kung hindi iboboto ang mga kandidatong nagsusulong ng capital punishment at hindi tumatalima sa batas sa pagpapatupad ng katarungan.
“Lately, I have received a deeply disturbing report on Davao City. In 1998 – 2015, the Commission on Human Rights (CHR) and the Human Rights Watch (HRW) have documented 1,424 extra-judicial killings. The victims include 132 children (17 years and below). None of the perpetrators of the so-called “Davao Death Squad” have been apprehended. The prime responsibility for the inaction over these unsolved crimes must rest squarely on the Mayor and local government officials. A city with such a high rate of unsolved killings cannot be called a city of peace and order.”bahagi ng pastoral statement ni Archbishop Ledesma
Binalaan din ng Arsobispo ang mga botante sa mga nagsusulong ng abortion, digmaan.
Ipinaalala ng Arsobispo na mahalagang ang ating iboboto ay hindi magnanakaw at mahalagang nagmamalasakit sa ating kalikasan.
“Thou shall not steal.” Those who are guilty of this commandment are not only those petty thieves who steal hundreds of pesos. The worst offenders are corrupt politicians who use their office to enrich themselves and have millions of pesos deposited in their bank accounts. Pope Francis has reminded us of global warming and the need to protect the environment. Ecological destruction is also a manifestation of the culture of death. As Christians we need to care for the needy and to care for the earth. Can a genuine Christian, in conscience, elect candidates who destroy the environment through irresponsible logging and mining and issue permits that destroy our natural resources?paalala ng Arsobispo
Binigyan diin ni Archbishop Ledesma na huwag iboto ang mga immoral na kandidato na hindi kayang baguhin ang sarili.
Nauna rito, ipinahayag sa pastoral statement ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na hindi magdidikta ang Simbahan kung sino ang iboboto subalit tutulungan ang mga botante na konsultahin ang kanilang konsensiya kung sino ang nararapat na ihalal sa puwesto.(Riza Mendoza)