Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 226 total views

Ang kapangyarihan, kapanalig ay isang biyaya na madaling maabuso ng tao. Maraming uri ito. Ang lagi nating kilala, halimbawa, ay ang poder sa gobyerno – ang pagkakaroon ng mataas na pwestong politikal o halal. Kapangyarihan din kapanalig, ang pwersa ng armas – mapapulis o military, o mapa-terorista, ang armas ay nagdadala ng takot sa marami, at kaya nito mapasunod ang tao kahit labag pa sa kanyang kalooban.

Ang kombinasyon ng kapangyarihang pampulitika at armas ay delikado – nakakamatay. Kaya’t dapat tayo ay mapagbantay, mapagmatyag, at mapanuri sa mga taong bibigyan natin ng kapangyarihan. Nakita natin ang deadly combination na ito noong panahon ng Martial Law, at nakita rin natin ulit ito sa drug war ng rehimeng Duterte.

Gumising tayo kapanalig. Eto na naman ang panahon ng pagpipili ng pinuno ng bayan. Baka eto na naman tayo – madaling mahuhulog sa kanilang panunuyo, at magiging pipi at bulag sa kanilang mga kahinaan, kanilang track record, at sa kanilang kapalpakan. Konting talumpati, konting song and dance, tuwang tuwa na tayo, naloloko tayo.

Ito ang dapat nating mabago kapanalig. Lagi tayong nabibighani sa kandidato. Sa kampanya pa lamang, binibigay na natin agad sa kanilang kamay ang upperhand, ang kapangyarihan. Ito ang dapat mabago kapanalig. Wala sa pulitiko ang kapangyarihan, nasa atin.

Sa ating tuwinang pagsuko ng kapangyarihan sa mga pulitiko, tayo mismo ang nagsusulong ng kawalan ng katarungan sa ating lipunan. Taliwas ito sa gabay sa atin ng Panlipunang Turo ng Simbahan. Ayon nga sa Economic Justice for All, “Social justice implies that persons have an obligation to be active and productive participants in the life of society.”

Gawin nating makabuluhan ang pakikilahok natin sa lipunan, kapanalig. Ating bawiin ang kapangyarihan  mula sa mga kurap at huwad na pinuno ng bayan. Ang eleksyon ay isang platapormang dapat nating linangin at gamitin ng wasto.

Tinatayang lampas pa sa 61 milyon ang mga botante ngayong darating 2022 elections. Ngayon, apat na ang mga presidential candidates na umaasa sa boto ng madla. Nasa ating kamay ang kanilang kapalaran. Nasa ating kamay ang kapangyarihan. Sana mapaghandaan natin ito at magkaisa tayo. Nawa’y pumili tayo ng lider na tunay na maglilingkod sa bayan, hindi para sa kanilang sarili.

Kapanalig, ang tunay na kapangyarihan ay hindi nanggagaling sa iisa o iilang tao lamang. Pigilan na natin ang maling pag-gamit ng pwersa. Huwag tayong madali lumimot, kapanalig.  Huwag tayo maniwala sa pagbabaluktot ng katotohanan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 48,792 total views

 48,792 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 78,873 total views

 78,873 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 92,762 total views

 92,762 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 111,077 total views

 111,077 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 5,712 total views

 5,712 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Kabiguan sa kabataan

 48,793 total views

 48,793 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 78,874 total views

 78,874 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 92,763 total views

 92,763 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 111,078 total views

 111,078 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 99,207 total views

 99,207 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 79,591 total views

 79,591 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 103,288 total views

 103,288 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 112,000 total views

 112,000 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »
1234567