OFWs, pararangalan ng CBCP sa National Migrants Sunday

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 611 total reads

Inihayag ng migrant’s ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na nararapat kilalanin ang sakripisyo ng mga Overseas Filipino Workers.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, vice chairman ng komisyon ito ang sentro ng pagdiriwang ng simbahan sa National Migrants Sunday ang magbigay parangal sa lahat ng mga migrante at OFW na nagsusumikap para sa kinabukasan ng bawat pamilya.

“As we celebrate National Migrants Sunday (NMS) it is most opportune time to appreciate the sacrifices and services of our OFWs. They build up their families as to make them stable and secured for the future, and successful in life,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Binigyang diin ni Bishop Santos ang ambag ng mga OFW sa paglago ng ekonomiya na batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa unang bahagi ng 2021, umaabot sa dalawang bilyong dolyar ang OFW remittance o katumbas sa 13 porsyentong pagtaas kumpara sa nakalipas na taon.

Sa pamamagitan din ng mga OFW mas naibahagi sa buong dagidig ang kaugalian ng mga Filipino at higit sa lahat ang pakikiisa sa misyon ng simbahan.

“Also, they make our economy moving and showing the true characters of Filipinos as helpful, honest and hardworking,” ani Bishop Santos.

Sa September 26 gugunitain ang 35th National Migrants Sunday kasabay ang 107th World Migrants and Refugees kung saan puspusan na ang paghahanda ng iba’t ibang diocesan migrant’s ministry ng mga programa bilang pagkilala sa mga migrante at OFW.

Hinimok ni Bishop Santos ang mamamayan na ipalanangin ang mga mahigit sampung milyong Filipino sa ibayong dagat na nagsasakripisyo alang-alang sa kapakanan ng mga mahal sa buhay.

“Let us accompany them in struggles as to protect and promote their rights and dignity. Lastly is to make available our resources to assist and help those whom they left behind,” ayon pa sa opisyal.

Una nang kinilala ng Kanyang Kabalanan Francisco ang mga Filipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa pagiging katuwang ng simbahan sa pagpapalaganap ng misyon sa iba’t ibang mga larangang pinagtatrabahuan.

Dalangin naman ng migrant’s ministry ng simbahan ang kaligtasan at kalakasan ng bawat OFW lalo ngayong nahaharap ang buong daigdig sa krisis pangkalusugan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,083 total reads

 11,083 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 12,389 total reads

 12,389 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 26,157 total reads

 26,157 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 63,535 total reads

 63,535 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 94,805 total reads

 94,805 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 170,352 total reads

 170,352 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 263,315 total reads

 263,315 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 11,084 total reads

 11,084 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »
Scroll to Top