Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 516 total reads

Ang kapangyarihan, kapanalig ay isang biyaya na madaling maabuso ng tao. Maraming uri ito. Ang lagi nating kilala, halimbawa, ay ang poder sa gobyerno – ang pagkakaroon ng mataas na pwestong politikal o halal. Kapangyarihan din kapanalig, ang pwersa ng armas – mapapulis o military, o mapa-terorista, ang armas ay nagdadala ng takot sa marami, at kaya nito mapasunod ang tao kahit labag pa sa kanyang kalooban.

Ang kombinasyon ng kapangyarihang pampulitika at armas ay delikado – nakakamatay. Kaya’t dapat tayo ay mapagbantay, mapagmatyag, at mapanuri sa mga taong bibigyan natin ng kapangyarihan. Nakita natin ang deadly combination na ito noong panahon ng Martial Law, at nakita rin natin ulit ito sa drug war ng rehimeng Duterte.

Gumising tayo kapanalig. Eto na naman ang panahon ng pagpipili ng pinuno ng bayan. Baka eto na naman tayo – madaling mahuhulog sa kanilang panunuyo, at magiging pipi at bulag sa kanilang mga kahinaan, kanilang track record, at sa kanilang kapalpakan. Konting talumpati, konting song and dance, tuwang tuwa na tayo, naloloko tayo.

Ito ang dapat nating mabago kapanalig. Lagi tayong nabibighani sa kandidato. Sa kampanya pa lamang, binibigay na natin agad sa kanilang kamay ang upperhand, ang kapangyarihan. Ito ang dapat mabago kapanalig. Wala sa pulitiko ang kapangyarihan, nasa atin.

Sa ating tuwinang pagsuko ng kapangyarihan sa mga pulitiko, tayo mismo ang nagsusulong ng kawalan ng katarungan sa ating lipunan. Taliwas ito sa gabay sa atin ng Panlipunang Turo ng Simbahan. Ayon nga sa Economic Justice for All, “Social justice implies that persons have an obligation to be active and productive participants in the life of society.”

Gawin nating makabuluhan ang pakikilahok natin sa lipunan, kapanalig. Ating bawiin ang kapangyarihan  mula sa mga kurap at huwad na pinuno ng bayan. Ang eleksyon ay isang platapormang dapat nating linangin at gamitin ng wasto.

Tinatayang lampas pa sa 61 milyon ang mga botante ngayong darating 2022 elections. Ngayon, apat na ang mga presidential candidates na umaasa sa boto ng madla. Nasa ating kamay ang kanilang kapalaran. Nasa ating kamay ang kapangyarihan. Sana mapaghandaan natin ito at magkaisa tayo. Nawa’y pumili tayo ng lider na tunay na maglilingkod sa bayan, hindi para sa kanilang sarili.

Kapanalig, ang tunay na kapangyarihan ay hindi nanggagaling sa iisa o iilang tao lamang. Pigilan na natin ang maling pag-gamit ng pwersa. Huwag tayong madali lumimot, kapanalig.  Huwag tayo maniwala sa pagbabaluktot ng katotohanan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 62,046 total reads

 62,046 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 141,003 total reads

 141,003 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 174,448 total reads

 174,448 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 209,746 total reads

 209,746 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 433,777 total reads

 433,777 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 62,047 total reads

 62,047 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 141,004 total reads

 141,004 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 174,449 total reads

 174,449 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 209,747 total reads

 209,747 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top