511 total views
Itinakda sa unang araw ng Hunyo ang pagdiriwang ng kapistahan ng Pagtatalaga sa Kalinis-linisang Puro ni Maria o ang Consecration of the Immaculate Heart of Mary.
Ito ay matapos tumapat ang nakatakdang kapistahan para sa Mahal na Birhen sa ika-29 ng Hunyo kung saan kasabay ang Dakilang kapistahan ni San Pedro at San Pablo.
Ito ang inanunsyo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) upang bigyang daan ang pagdiriwang ng Solemnity of Sts. Peter and Paul, ipagdiriwang ang Consecration of the Immaculate Heart of Mary sa darating na Sabado, unang araw ng Hunyo.
“As approved in the CBCP 108th Plenary Assembly, the Consecration to the Immaculate Heart of Mary is renewed every year on her feast day in every diocese until Year 2021. Since the Memorial of the Immaculate Heart of Mary falls on June 29, 2019, which is also the Solemnity of Sts. Peter and Paul, the National Consecration to the Immaculate Heart is transfered to June 1, 2019, the first Saturday of June,” ayon sa inilabas na pahayag ng CBCP.
Sa ginanap na ika-108 CBCP Plenary Assembly napagkasunduan ng mga Obispo na ipagdiriwang sa lahat ng simbahan at mga Diyosesis sa buong bansa ang Pagtatalaga sa Kalinislinisang Puso ni Maria.
Ito rin ay bilang pagpapakita ng malalim na pamimintuho ng mga Pilipino sa Mahal na Birheng Maria na ina ng tagapagligtas ng sanlibutan.
Sa kasalukuyan, mayroong dalawamput isang mga katedral sa buong bansa ang nakatalaga sa Mahal na Ina at ang labintatlo dito ay nakapangalan sa Mahal na Birhen ng Immaculada Conception.
Mahigit na rin sa apatnapu ang Canonically Crowned Images ng Birheng Maria sa Pilipinas, matapos ang pagkilalang iginawad dito ng Vatican at ng Santo Papa.