Prolife group, hindi sang-ayon sa online poll sa usapin ng same sex marriage

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 756 total views

Hindi sang-ayon ang Pro-Life Philippines Foundation sa isinagawang online poll survey ng House of Representatives para alamin ang saloobin ng mamamayan hinggil sa usapin ng same sex marriage.

Ito ang binigyang diin ni Rita Linda Dayrit-Pangulo Pro-Life Philippines.

Sa halip ayon kay Dayrit, tungkulin ng mga mambabatas bilang kinatawan sa Kongreso na alamin ang paninindigan ng mamamayan sa pamamagitan ng pakikipag-pulong o town hall meeting sa bawat barangay.

Sa pamamagitan nito ay mapapakinggan hindi lamang ang desisyon kundi maging ang mga dahilan ng kanilang paninindigan sa mga usapin.

Dagdag pa ni Dayrit, dapat na igalang ng mga mambabatas ang proseso ng paggawa ng batas kung saan dapat na pahalagahan ang Saligang Batas at maging ang paniniwala ng mamamayan.

“We have representatives yan ang trabaho nila in order to know the pulse of their constituents and then also to remember that that is against the constitution, to please honor the constitution and the religious beliefs of the Filipinos, siguro mas maganda diyan parang town hall meeting per barangay, per city it will be a tedious process but it has to be like that because it is a serious matter,” ang pahayag ni Dayrit sa panayam sa Radyo Veritas.

Ayon pa kay Dayrit hindi maaabot ng naturang online poll ang lahat ng mga mamamayan kaya’t hindi ito naaangkop na maging paraan ng pananaliksik sa pulso ng taumbayan.

Sa kabila nito, nanawagan pa rin ang Pro-Life Philippines sa mga mananampalataya na makibahagi online poll upang maipakita ang pagtutol sa panukala.

“Pino-promote namin yan to everybody pero mahirap naman kasi, we do not know kasi kung sino yung sumasagot diba, for me for something that is very important bakit online poll? Mas maganda siguro per LGU na talagang mag-aattend ang mga tao saka baka maraming hindi inaabot eh pero importante sa kanila ito, for something very serious huwag naman online polling, kasi maraming hindi naaabot ang online,” dagdag pa ni Rita Linda Dayrit.

Una na ring sinabi Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs na hindi maaaring gamiting batayan ang ginagawang online survey ng Kongreso upang malaman ang tunay na saloobin ng mga Filipino sa anumang usapin gaya na lamang ng same sex marriage.

Sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) noong 2018, lumabas na bagamat LGBT friendly ang mga Filipino ay nananatiling 61 porsyento ang tutol sa pagsasabatas ng same sex marriage sa bansa.

Nasasaad rin sa Family Code na nakapaloob sa Saligang Batas ng Pilipinas na ang pagpapakasal ay nararapat sa pagitan lamang ng isang lalake at isang babae.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 228,709 total views

 228,709 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 258,932 total views

 258,932 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 285,576 total views

 285,576 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 380,549 total views

 380,549 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 386,806 total views

 386,806 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top