Muling pagpapatupad ng ROTC, nawa’y magbunga ng makabayang Kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 863 total reads

Umaasa ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine (CBCP) na magdudulot ng kabutihan ang ipatutupad na mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity dapat hindi masasayang ang panahon na ilalaan para sa nasabing programa at tuluyang mahubog ang kabataan sa pagiging makabayan.

“Nawa’y maging educational itong ROTC na hindi lang pamartsa-martsa ang mga bata kundi mag-create talaga nang patriotism sa mga kabataan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Umaasa pa ang Obispo na nawa’y may sapat na kaalaman at kakayahan ang mga magpapatupad ng ROTC upang maisakatuparan ang layunin ng programa.

Una nang kinatigan ng Department of Education (DepEd) ang muling pagpapatupad sa ROTC program dahil makatulong ito sa kinabukasan ng bansa na magkaroon ng matatag na mamamayan at mahubog sa disiplina ang mga kabataan.

Kinondena naman ng grupong Gabriela at Kabataan ang planong mandatory ROTC sa senior high school dahil sa pangambang magdudulot ito ng militarisasyon at takot sa loob ng mga paaralan na magiging sanhi ng pang-aabuso sa karapatang pantao.

Paalala rin ni Bishop Pabillo na kung tuluyang maipatupad ang mandatory ROTC ay tiyaking hindi ito makalalabag sa karapatan ng mga kabataan at maiwasan ang mga pang-aabuso.

Nilinaw naman ni Senator Sherwin Gatchalian ang sponsor ng panukalang batas na kabilang sa mga pagsasanay sa ilalim ng ROTC ang kahandaan sa kalamidad at capacity-building para sa mga risk-related situation upang makatulong sa bansa kung may kalamidad.

Sinabi pa ni Bishop Pabillo na sana’y hindi na maulit ang nangyari noong unang ipinatupad ang ROTC kung saan nasasayang ang oras at salapi dahil sa hindi maayos na pagpapatupad ng programa.

“Maraming mga bagay ang maganda, pagdating sa implementation ay ‘yun ang problema kasi isa yan sa naging problema ng ROTC noon na walang natutuhan ang mga kabataan; nagsasayang lang ng panahon at pera,” saad pa ni Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 7,462 total reads

 7,462 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 94,336 total reads

 94,336 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 131,709 total reads

 131,709 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 162,970 total reads

 162,970 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 235,418 total reads

 235,418 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top