Kapwa Obispo, hinimok ni Archbishop Jumoad na maging tapat sa misyong pagpapastol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,157 total views

Hinimok ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad ang mga obispo sa bansa na maging tapat sa kanilang misyon ng pagpapastol na makiisa sa mga mamamayang nagdurusa, nakararanas ng kawalang katarungan at mga sakuna, sa halip na iwasan ang kanilang mga sugat.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa kanyang pagninilay sa banal na misa sa Immaculate Conception Cathedral Parish sa Ozamiz City bilang hudyat ng pagsisimula ng retreat ng mga obispo bago ang ika-132 Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Binigyang-diin ni Archbishop Jumoad na tulad ni Apostol Santo Tomas, ang Simbahan ay tinatawagang harapin ang mga sugat ng lipunan nang may katotohanan at habag.

“Wherever there is death, wherever there is loss, wherever there is a question of justice—that is where we place our finger. Not to condemn, but to lament. Not to divide, but to heal,” ayon kay Archbishop Jumoad.

Paliwanag ng arsobispo na ang tunay na pastol ay hindi maaaring manahimik at umiiwas sa pagdurusa ng kanyang kawan.

“A shepherd does not change the subject when his sheep are bleeding. Discipleship means we go where the wounds are, especially when it is inconvenient,” dagdag ng arsobispo.

Tinukoy ni Archbishop Jumoad ang mga nagdaang trahedya at suliraning kinakaharap ng bansa, kabilang ang panawagan para sa pananagutan, mga pagbaha at lindol, bilang mga sitwasyong dapat samahan at tugunan ng Simbahan sa diwa ng pagkakaisa at malasakit.

Ayon sa arsobispo, mahalagang damayan ng simbahan ang mga mananampalatayang nagtatanong at naghahanap ng katotohanan sa gitna ng mga trahedyang naranasan.

“Our people are not ‘negative’ when they ask hard questions after tragedy. They are being Thomas. They are demanding a faith that touches reality,” aniya.

Iginiit ni Archbishop Jumoad na kailangang magkakaisa sa paninindigan ang Simbahan sa pagtatanggol sa buhay, katotohanan at katarungan.

“Our prophetic voice cannot be selective. We are not called to be anti-anyone. We are called to be pro-life, pro-truth, and pro-justice because every human life is made in the image of God. Justice without Christ becomes bitterness. But Christ without justice becomes empty words,” giit ng arsobispo.

Hinimok din ng arsobispo ang mga mananampalataya na huwag hayaang maging hadlang ang kanilang mga sugat sa pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapwa.
Apela ni Archbishop Jumoad sa bawat Kristiyano na tumugon sa paghihirap ng kapwa sa pamamagitan ng pagkalinga at pakikiisa.

Hinikayat din ng pastol ang sambayanan na maging matapang sa paghahanap ng katotohanan, maging mahabagin sa mga nagdurusa, at maging tagapagtaguyod ng pagkakasundo sa gitna ng pagkakahati-hati ng lipunan.

Dalangin ni Archbishop Jumoad na maging huwaran si Apostol Santo Tomas sa bawat obispo at mananampalataya.

“Only when we touch the wounds of humanity will we recognize the wounds of Christ. And only when we kneel before the Risen Lord will we find the strength to heal those wounds,” ayon kay Archbishop Jumoad.

Kasalukuyang nagtitipon ang mga obispo sa bansa sa Misamis Occidental para sa kanilang retreat at ika-132 plenary assembly mula July 3 hanggang 10.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 9,830 total views

 9,830 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 38,181 total views

 38,181 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 105,911 total views

 105,911 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 129,062 total views

 129,062 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 198,551 total views

 198,551 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top