Karapatang maglaro sa panahon ng pandemya

SHARE THE TRUTH

 145 total views

Mga Kapanalig, nakalulungkot na ang paglalaro ng isang bata sa labas ng kanilang bahay ay nauwi sa kanyang pagkamatay. Napabalita kamakailan ang pagpanaw ni John Dave Pepito, isang 12-taong-gulang na batang namatay matapos tumakbo papalayo sa mga barangay tanod na humahabol sa kanya. Naglalaro si John Dave at iba pang bata sa labas ng kanilang bahay. Ayon sa mga saksi, nawalan ng malay ang bata matapos habulin ng mga barangay tanod dahil bawal daw lumabas ang mga bata sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (o MECQ). Itinakbo si John Dave sa ospital ngunit idineklara siyang dead on arrival.

Sa loob ng mahigit isang taong community quarantine sa ating bansa, pinananatili sa loob ng bahay ang mga batang katulad ni John Dave. Ayon sa pamahaalan, ito ay upang ilayo sila sa kapahamakang dala ng COVID-19. Ngunit sa edad kung kailan mahalaga ang paglalaro at pakikipag-ugnayan sa kapwa, ano ba ang naging epekto ng pagkakakulong ng mga bata sa apat na sulok ng kanilang tahanan?

Ayon sa konsultasyong isinagawa ng Civil Society Coalition on the Convention on the Rights of the Child (o CRC Coalition), mga organisasyong nagtataguyod ng karapatang pambata at nagbabantay sa implementasyon ng United Nations Convention on the Rights of the Child (o UNCRC) sa Pilipinas, sinabi ng mga batang malaki ang naging epekto sa kanilang pangkaisipan at emosyonal na kalusugan ng hindi paglabas sa kanilang tahanan sa loob ng higit isang taon. Sa survey naman na isinagawa ng Plan International, isa pang organisasyong nagtataguyod ng karapatang pambata, 42 porsyento ang nagsabing nakaramdam sila ng lungkot at halu-halong emosyon dala ng pandemya. Marami rin ang nagsabing naiinip sila, natatakot, at nababalisa. Kung 24 oras nga naman sa loob ng mahigit isang taon ay nasa loob lamang sila ng bahay, hindi ba’t natural na naisin nilang maglaro sa labas kasama ang ibang bata?

 

PSD Toktok

 

Isa ang karapatang maglaro sa mga karapatang pambatang ipinangako ng Pilipinas na itataguyod noong lumagda ang ating pamahalaan sa UNCRC noong 1990. Hindi lamang saya o katuwaan ang dala ng paglalaro para sa mga bata. Habang nasa proseso pa lamang sila ng kanilang pag-unlad o development, napakaraming matututunan ng mga bata sa pakikipaglaro sa kanilang kapwa bata, gaya na lamang ng pagiging malikhain, paggamit ng imahinasyon, at pakikipagkapwa-tao. Ang paglabas ng bahay ng isang batang katulad ni John Dave, bagama’t delikado dahil sa hindi nakikitang virus, ay isang pamamaraan upang paunlarin ang kaniyang sarili. Natural ito sa mga bata at hindi sila dapat hinahabol na tila mga tinutugis na kriminal dahil lamang sa kanilang kagustuhang maglaro.

Isa lamang si John Dave sa mga naging biktima ng mala-militar na solusyon ng pamahalaan sa isang problemang nangangailangan ng medikal na solusyon. Matatandaan ninyo marahil si Darren Peñaredondo na pinag-squat nang ilang beses dahil nasa labas siya upang bumili ng inuming tubig sa oras ng curfew. Ikinamatay niya ang pisikal na pagpaparusa sa kanya. Kailan pa naging paglabag sa batas ang paglabas upang bumili ng inuming tubig?

Sabi nga ni Pope Francis, ang paglalaro ay ekspresyon ng mga bata ng kanilang pagiging inosente at pangako ng magagandang bagay katulad ng pag-asa, pagmamahal, at kapayapaan. At gaya ng sinabi ni Hesus, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pagbawalan sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng langit.”

Mga Kapanalig, mahalaga ang paglalaro para sa mga bata. Sa halip na habulin ang mga batang naglalaro sa labas, dapat sana ay kinausap na lamang sila nang mahinahon. Hindi dapat takot ang itinatatak natin sa isip ng mga bata kundi pagkalinga at pagmamahal.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 4,879 total views

 4,879 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 12,924 total views

 12,924 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 18,004 total views

 18,004 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 23,711 total views

 23,711 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 32,499 total views

 32,499 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 4,880 total views

 4,880 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 12,925 total views

 12,925 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 18,005 total views

 18,005 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 23,712 total views

 23,712 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 32,500 total views

 32,500 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,036 total views

 40,036 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 54,350 total views

 54,350 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,040 total views

 58,040 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 56,643 total views

 56,643 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 66,630 total views

 66,630 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 70,598 total views

 70,598 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 81,485 total views

 81,485 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 93,924 total views

 93,924 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 104,682 total views

 104,682 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,935 total views

 51,935 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top