Pasalamatan ang panginoon sa biyaya ng pamilya, apela ni Archbishop Palma sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 575 total views

Binigyang diin ng arsobispo ng Cebu na dapat pasalamatan ang Panginoon sa biyaya ng pamilya.

Ito ang pagninilay ni Archbishop Jose Palma sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Jose Manggagawa at Pagtatalaga ng bansa sa pangangalaga ng santo.

Hiniling naman ng arsobispo na ipagdasal ang bawat isa upang maging tagapagdala at tagapagtaguyod ng misyon ng pamilya.

“If we have no chance to choose our families because we do not choose our parents nor our brothers and sisters, we can only pray that each one of us may be an instrument to bring about good in the family, renewal for the better, holiness, love and harmony,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Palma.

Ipinaliwanag ng arsobispo na mahalagang dumulog kay San Jose sapagkat ito ang pinagkatiwalaan ng Diyos Ama na maging tagapangalaga ng Banal na Mag-anak dito sa mundo.

[smartslider3 slider=22]

Sa panahong nahaharap ang mundo sa matinding krisis dulot ng coronavirus mahalagang pagtibayin ang samahan ng bawat pamilya upang maging matatag at magbigay pag-asa sa bawat isa.

Hinimok ni Archbishop Palma ang mananampalataya na hingin ang tulong ni San Jose sa pagpapatatag ng mga pamilya.

“We plead for his [St. Joseph] intercession to journey with us, to assist us in difficult times. We come to St. Joseph in this Act of Consecration. It is our way of saying, ‘St. Joseph, just as God has appointed you to care for the Holy Family, make us as well your family,” ani ng arsobispo.

Sa kapistahan ng santo, pinangunahan ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Davao Archbishop Romulo Valles ang National Consecration to St.Joseph habang isang banal na misa naman ang pinangunahan ni Archbishop Pama sa National Shrine of St.Joseph sa Mandaue City, Cebu. Ang pagtatalaga ng bansa sa pangangalaga ni San Jose ay kasabay ng pagdiriwang ng Year of St. Joseph na idineklara ni Pope Francis noong Disyembre 8, 2020 hanggang Disyembre 8, 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 24,909 total views

 24,909 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 31,038 total views

 31,038 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 61,180 total views

 61,180 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 81,431 total views

 81,431 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 101,858 total views

 101,858 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top