Kasakiman, ugat ng lahat ng kasamaan-Bishop Pabillo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,145 total views

Kinundena ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo ang patuloy na paghahari ng kasikiman sa puso ng mga tao na nagdudulot ng pagkalulong sa bisyo katulad ng sugal o online gambling.

Ayon kay Bishop Pabillo, sa matinding paghahangad ng tao na yumaman ang nag-uudyok sa marami na malulong sa masamang bisyo katulad ng online gambling.

Itinuturing ng Obispo ang online gambling na bagong “pandemyang”sumisira sa buhay ng mga Pilipino at kanilang pamilya.

“Pati ang Diyos ay dinadaya natin, kaya nga pati ang simbahan ay ninanakawan, kinukupitan. Para sa iba, ginagamit ang Diyos para magkaroon ng pera, kaya hindi nagbibigay ng proper accounting ng pera ng simbahan. Walang transparency. Nakakalimutan yata natin ang maliwanag na sinabi ni Jesus na hindi tayo makapaglilingkod sa dalawang panginoon– sa pera at sa Diyos. Maaaring gamitin natin ang pera para sa Diyos o di kaya gamitin natin ang Diyos para sa pera,” ayon sa pagninilay ni Bishop Pabillo.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na maibabalik natin ang buhay sa panginoon sa pagkilala na ang kasakiman ay ugat ng lahat ng kasamaan.

Hinhimok ng Obispo ang lahat na gamitin ang pera at yaman sa wastong pamamaraan at pagbibigay prayoridad sa pangangailangan maging sa pagkawanggawa.

“Pinapaalaala ng mga pagbasa natin ngayon na isipin natin na hindi natin mahahawakan ang anumang bagay sa mundo. Sinabi ng Mangangaral sa unang pagbasa natin na walang kabuluhan, parang bula lamang, ang mga bagay sa mundo. Nakakita na tayo ng mga bata na naglalaro ng bula ng sabon. Ang ganda ng bula. Makulay at bilog na bilog na lumilipad, pero hindi natin mahawakan. Kapag pumatong sa ating kamay sila ay pumuputok, naglalaho. Ganyan ang kayamanan sa mundo,” bahagi pa ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Sa datos ng Recovering Gamblers of the Philippines, 80% sa kanilang mga rehab patient ay pawang mga biktima ng online gambling na bukod sa pagkalugi sa pera ay nagdulot din ng depresyon, pagkasira ng buhay, pamilya at relasyon sa kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 10,513 total views

 10,513 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 31,494 total views

 31,494 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 53,922 total views

 53,922 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 227,700 total views

 227,700 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 204,741 total views

 204,741 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Donation campaign, isinagawa ng CWS

 2,319 total views

 2,319 total views Idinadaos na ng Church People Workers Solidarity o CWS ang donation drive para sa may tatlong-libong pamilyang nasunugan sa Parola Compound Binondo Manila.

Read More »

EILER, nagbabala sa Pax Silica agenda

 2,337 total views

 2,337 total views Nagbabala ang labor group na Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER laban sa “Pax Silica” agenda sa Pilipinas. Pinangangambahan ng

Read More »
Scroll to Top