Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kasakiman, ugat ng “narco-politics at political dynasty sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 300 total views

Kasakiman sa pera, kapangyarihan at ari-arian ang ugat ng Narco-politics at Dinastiya sa bansa.

Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles – Chairman ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs ang mga aspektong ito ay magkakaugnay sa usapin ng katiwalian at pagsasamantala ng ilang mga opisyal ng bayan sa kanilang posisyon at katungkulan.

Binigyan-diin ng Arsobispo na maibabalik lamang ang kaayusan at katapatan sa panunungkulan kung tuluyang maibabalik ang Diyos bilang sentro ng ating lipunan.

“yung Narco-Politics ang una kaya sila Politician ay gusto nilang magkapera, pero in the end kawawa din sila they are never satisfied, kaya dyan gusto nilang karugtong na dyan ay Dynasty. Nasa dyaryo na ngayon yan, mag-ama na, nandun na sa gobyerno pero pareho silang drug-addict, pareho silang connected sa mga katiwalan at sa pagpapahamak ng kapwa, ang kailangan pagbabago at ibalik natin ang Diyos sa ating lipunan, kapag wala ang Diyos ay nandyan yung pagsasamantala sa kapwa…”pahayag ni Archbishop Arguelles sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nito, sa mahigit 150 pangalan sa listahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sinasabing sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga sa buong bansa, 54 sa mga ito ang mga halal na opisyal ng pamahalaan, sa bilang na ito, 32 ang kasalukuyang nakaluklok sa puwesto kung saan 23 ang mayor, 7 ang vice mayor, 1 ang district representative at 1 konsehal.

Samantala, unang inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na mula January 2015 hanggang January 2016 ay umabot sa 69 na mga halal na opisyal ng lokal na pamahalaan ang naaresto ng kanilang tanggapan dahil sa pagkakasangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon nga sa Kanyang Kabanalan Francisco “Ang Pulitika ay isa sa pinakamataas na paraan ng pagmamalasakit sa kapwa…” dahil sa pagtutok sa common good o ang mas makabubuti para sa lahat.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 16,691 total views

 16,691 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 30,651 total views

 30,651 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 47,803 total views

 47,803 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,987 total views

 97,987 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,907 total views

 113,907 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 15,725 total views

 15,725 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 23,759 total views

 23,759 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top